Walang puwang ang diskriminasyon sa simbahan, Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,297 total reads

Hinamon ni Taytay Bishop Broderick Pabillo ang mga mananampalataya na iwaksi ang anumang uri ng diskriminasyon at pagtatangi sa kapwa, at binigyang-diin na ang kaligtasan ng Diyos ay walang itinatangi.

Sa kanyang homiliya para sa Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon, sinabi ni Bishop Pabillo na ang mensahe ng Ebanghelyo tungkol sa babaeng Cananea ay malinaw na nagpapakita na ang awa at pagliligtas ng Diyos ay hindi nakalaan lamang sa isang lahi o grupo.

“Ang paglapit sa Diyos at pagtanggap ng kaligtasan “ay hindi nagdepende sa lahi, dugo, o kulay ng balat. Gusto ng Diyos na ang lahat ay maligtas at makaalam ng katotohanan ng kaligtasan,” ayon kay Bishop Pabillo.

Paliwanag ng obispo na bagama’t ang mga Hudyo ang bayang pinili ng Diyos, hindi nangangahulugan ang pagpiling ito na para lamang sa kanilang kapakinabangan ang kaligtasan.
Sa halip, sila ay pinili upang maging instrumento upang makilala rin ng lahat ng bansa ang Diyos.

Aniya, mula pa sa Lumang Tipan ay ipinahayag na ang layunin ng Diyos ay tanggapin ang mga dayuhan bilang bahagi ng kanyang bayan, kaya’t ang templo ay tatawaging “bahay-dalanginan ng lahat ng bansa.”

Iniugnay ni Bishop Pabillo ang aral ng Kasulatan sa patuloy na suliranin ng racism at diskriminasyon sa iba’t ibang panig ng mundo.

Tinuran ng obispo ang diskriminasyon laban sa mga Palestinian, Black, Asian, at Latino sa ilang bahagi ng mundo, gayundin ang pagtanggi sa mga refugee at paglabag sa karapatan ng mga katutubo, kabilang ang pag-agaw sa kanilang ancestral domain.

Aniya, ipinakikita nito na nananatiling malaking suliranin ng sangkatauhan ang pagkiling sa sariling lahi, relihiyon, kulay ng balat at grupo.

Maging ang salaysay tungkol kay Jesus at sa babaeng Cananea, ayon sa obispo ay nagpapakita kung paano nalalampasan ang ganitong mga hangganan.

Bagama’t sa simula ay tila hindi pinansin ni Jesus ang babae at binigyang-diin ang kanyang misyon para sa “mga naliligaw na tupa ng Israel,” hindi sumuko ang babae.

Sa kanyang pagpapakumbaba at matiyagang pagtitiwala, ipinakita niya ang lalim ng kanyang pag-ibig sa kanyang anak.

Binigyang-diin din ng obispo na ang pagiging Katoliko mismo ay nangangahulugan ng pagiging pangkalahatan at bukas sa lahat.

“Universal! Pangkalahatan! Iyan ang ibig sabihin ng salitang “Katoliko”. Tayo ay Katoliko kasi ang lahat ay tinatanggap natin, lahat ng lahi, lahat ng tao, kahit na makasalanan, kasi si Jesus ay dumating upang magpatawad sa mga makasalanan,” ayon kay Bishop Pabillo.

Gayunman, kinilala niyang hamon sa mga mananampalataya ang sariling mga pagkiling at pagtatangi, kabilang ang mababang pagtingin sa mga taong hindi kabilang sa kanilang grupo o sa ibang relihiyon.

Panawagan ng obispo sa mga mananampalataya na maging tunay na Katoliko sa pamamagitan ng pagpapahalaga at paggalang sa bawat tao.

“Maging tunay na katoliko po tayo. Pahalagahan at igalang natin ang lahat. Abutin natin ang lahat at ibahagi sa kanila ang pananampalataya na mahal ng Diyos ang lahat at inaabot niya ang lahat ng tao,” ani Bishop Pabillo.

Apela ng pastol sa mamamayan na gawing konkretong pamumuhay ang pagiging isang pandaigdigang Simbahan at isang pamayanang hindi nagbubukod batay sa lahi, kulay, dugo o pinagmulan, kundi kumikilala sa dignidad ng bawat tao bilang nilalang at minamahal ng Diyos.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 44,188 total reads

 44,188 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 41,910 total reads

 41,910 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 76,297 total reads

 76,297 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 178,122 total reads

 178,122 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 218,679 total reads

 218,679 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 237,567 total reads

 237,567 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top