Itakwil ang anumang uri ng diskriminasyon, panawagan ni Pope Leo XIV sa simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,172 total reads

Nanawagan si Pope Leo XIV sa Simbahan na maging bukas sa lahat at itakwil ang anumang uri ng diskriminasyon at mga hadlang na yumuyurak sa dignidad ng tao, kasabay ng panawagan para sa kapayapaan sa gitna ng nagpapatuloy na karahasan.

Sa kanyang Angelus sa Castel Gandolfo nitong Linggo, August 16, binigyang-diin ng Santo Papa ang aral mula sa Ebanghelyo tungkol sa babaeng Cananea na patuloy na lumapit kay Hesus upang humingi ng kagalingan para sa kanyang anak.

Ayon kay Pope Leo XIV, ipinakita ng babae ang kababaang-loob at determinasyon sa kabila ng mga hadlang na kanyang kinaharap.
“From the Canaanite woman, we learn humility and determination. Thanks to her faith, we learn that God’s table is set for everyone and that no one is left merely with crumbs, because each person has his or her own place with the Father,” ayon kay Pope Leo XIV.

Binigyang-diin ng Santo Papa na ipinakikita ng pananampalataya ng babaeng Cananea na ang hapag ng Diyos ay walang itinatangi at bukas para sa lahat.
Sinabi ng Santo Papa na hindi dapat tanggapin ng mga Kristiyano ang umiiral na kulturang hindi gumagalang sa dignidad ng tao.

“In the light of this faith, inequalities, discrimination, and barriers that trample on the dignity of too many of God’s sons and daughters become unbearable,” dagdag ng Santo Papa.
Iniugnay din ng punong pastol ang salaysay tungkol sa Cananea sa misyon ng Simbahan na makinig sa mga hindi inaasahang paraan ng pagkilos ng Diyos.

Ipinaliwanag ni Pope Leo na patuloy na kumikilos ang Diyos sa kanyang paraan upang maipalaganap ang tunay na kapayapaan sa pamayanan.

“Even today, the Church can be surprised by God’s work and spread the peace of Christ beyond boundaries already drawn,” aniya.

Ayon sa Santo Papa, nauuna na ang biyaya ng Diyos sa misyon ng Simbahan at kumikilos ito sa bawat isa at hinimok ang mananampalataya na manatiling bukas sa pakikinig sa tawag ng Diyos sa paglilingkod.

“In every encounter — even those that disrupt our plans — we are to listen attentively by opening our eyes and hearts to what God wants to tell us,” saad pa ni Pope Leo.

Sa kanyang mensahe matapos ang Angelus, muling nanawagan si Pope Leo XIV para sa agarang pagtigil ng karahasan laban sa mga sibilyang Palestinian sa West Bank.

“I renew my appeal for an end to the ongoing violence against the Palestinian civilian population in the West Bank,” panawagan ni Pope Leo.

Kasabay nito, hinimok niya ang international community na kumilos upang isulong ang two-state solution bilang daan tungo sa makatarungan at pangmatagalang kapayapaan.

“I urgently call on the international community to work toward advancing the two-state solution, for a just and lasting peace,” aniya.

Binigyang-diin din ng Santo Papa ang mahalagang misyon ng Simbahan sa gitna ng mundong patuloy na naghahanap ng kapayapaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pahirapang dagdag-sahod

 3,452 total reads

 3,452 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 85,581 total reads

 85,581 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 187,308 total reads

 187,308 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 224,096 total reads

 224,096 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 254,629 total reads

 254,629 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top