YSLEP scholars, hinimok na maging servant leaders

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,525 total reads

Hinimok ni Akbayan Party-list Representative Atty. Chel Diokno ang mga Caritas Manila scholars na maging “servant leaders” na inuuna ang kapakanan ng komunidad kaysa pansariling interes.

Sa kanyang keynote address sa 11th General Assembly ng Caritas Manila Alumni Scholars Association o CAMASA, sinabi ni Diokno na hindi dapat maging lider ang isang tao para lamang sa posisyon, spotlight o kapalit na benepisyo dahil mas kailangan ng lipunan ang mga lider na marunong makinig, kumonsulta at gumagawa ng desisyon batay sa kapakanan ng nakararami.

““Ang kailangan na kailangan nating leader ngayon, ‘yung kilala niyo sa tawag na ‘servant leader,’ o sa akin, mas maganda pa nga ang pangalan, ‘transformational leader.’ Dahil ‘yung transformational leader, ‘yan ang nagbabago talaga ng buhay ng kanyang pinaglilingkuran. At ‘yan ang wish ko sa inyo, na lahat ng Caritas Manila scholars ay maging servant leader. Hindi naman kailangan na ‘yung sinasabing great things ang gagawin natin, hindi naman eh. Sa bawat komunidad, basta’t merong leader na tatayo para sa kapakanan ng buong komunidad, hindi niya unahin ‘yung kanyang sariling interes kundi ‘yung kapakanan ng buong mga magkakasama do’n,” ayon sa mensahe ni Diokno para sa CAMASA 11th General Assembly.

Binigyang-diin din ni Diokno na hindi kailangang humawak ng posisyon upang makapaglingkod kaya inihalimbawa niya ang mga ordinaryong mamamayan na nagpasimula ng community pantries noong pandemya, na aniya ay nagpapakita na maaaring magsimula ang tunay na pagbabago kahit pa kakaunti pa lamang ang mga taong handang kumilos para sa iba.

Nanawagan din ang mambabatas sa mga scholars na manindigan laban sa kawalan ng katarungan, korapsyon at pang-aabuso, at ipaglaban ang dignidad at karapatan ng mga higit na nangangailangan.

Iginiit niya na bukod sa kamalayang pambansa o national consciousness, kailangan din ng bansa ang “konsensiyang pambansa” o national conscience upang magkaroon ng tapang na kumilos kapag may nakikitang mali sa lipunan.

“And for me, ‘yung talagang isang napakagandang asal ng isang leader ay kahit na hindi siya ‘yung natatamaan, basta’t meron siyang nakikitang hindi tama, meron siyang nakikitang inhustisya, tatayo, titindig, at ipaglalaban niya ‘yung biktima ng inhustisya. And I hope that all of you today, in the weeks and months and in the years to come, will also learn to fight not only for yourselves, but especially for our brothers and sisters, lalong-lalo na ‘yung dehado sa ating bansa. At ‘yung inuuna natin palagi ang dangal, ang dignidad, ang buhay ng bawat kasama natin.,” bahagi pa ng mensahe ni Diokno para sa CAMASA 11th General Assembly.

Kabilang sa mga binanggit ni Diokno ang pangangailangan para sa anti-political dynasty law at pananagutan sa mga sangkot sa korapsyon kaya sa huli, hinikayat niya ang mga Caritas scholars na gamitin ang kanilang edukasyon at kakayahan upang maging bahagi ng pagbabago at pagtataguyod ng isang mas makatarungan at makataong Pilipinas.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 44,186 total reads

 44,186 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 41,906 total reads

 41,906 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 76,293 total reads

 76,293 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 178,118 total reads

 178,118 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 218,675 total reads

 218,675 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 237,563 total reads

 237,563 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top