Paghahatid ng tulong sa Diocese of Antipolo at Novaliches, itinakda ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 35,544 total reads

Paghahatid ng tulong sa Diocese of Antipolo at Novaliches, itinakda ng Caritas Manila

Tiniyak ni Nicole Mactal – Program Officer ng Caritas Manila – Caritas Damayan Program na nagpapatuloy ang mga insyatibo at repacking ng relief goods para sa mga komunidad na naapektuhan ng malakas na pag-ulan at pagbaha dulot ng Habagat.

Ayon kay Mactal, kasalukuyang isinasagawa sa kanilang warehouse ang repacking ng mga relief goods na ipamamahagi sa mga apektadong pamilya, habang nakapaghatid nadin ng tulong ang Caritas Manila sa apat na simbahan sa Archdiocese of Manila—Mary the Queen, St. John the Baptist, Our Lady of Fatima, at Santo Niño de Tondo.

Nakatakda ring ihatid ng Caritas Manila ngayong linggo ang paghahatid ng tulong sa Diocese of Antipolo at Novaliches, habang habang naipadala na rin ang tulong sa Nueva Ecija.

Kabilang sa pangunahing pangangailangan ng mga apektadong komunidad ang pagkain, malinis na sulpay ng tubig, gamot, wash kits, sanitary at hygiene supplies.

Dahil patuloy ang pag-ulan, umaasa muna ang Caritas Manila sa kanilang mga staff upang maipagpatuloy ang paghahanda at pamamahagi ng relief goods, habang limitado ang pagpapadala ng karagdagang volunteers.

“Ngayon po, sa lahat po ng mga nakikinig at nanonood po ngayon, kami po ay lumalapit sa inyo. Kahit ano pong tulong ang inyong maibigay ay alam ko naman na makakarating po sa mga beneficiary po natin na apektado po ng Habagat. At malaking tulong na rin po ’yun sa kanila at maging sa amin din po, Kahit ano pong tulong ang inyong maibigay ay makakarating po sa mga beneficiary natin na apektado ng Habagat, at malaking tulong na rin po ’yun sa kanila at sa amin.”” ayon sa panayam kay Mactal sa Programang Caritas in Action Program.

Samantala, nananawagan ang Caritas Manila sa publiko para sa mga nais magbigay ng tulong, cash man o in-kind donations, upang madagdagan ang ayuda para sa mga pamilyang naapektuhan ng Habagat.

Maaaring makipag-ugnayan sa Caritas Manila sa 0967-276-4806 o 0938-059-4829. Para naman sa GCash at BPI donation channels, maaaring bisitahin ang opisyal na page ng Caritas Manila.

Patuloy na hinihikayat ng Caritas Manila ang publiko na makiisa sa pagtugon sa pangangailangan ng mga kababayang nasalanta ng masamang panahon, bilang konkretong pagpapakita ng pagkakaisa at malasakit sa mga higit na nangangailangan.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 44,206 total reads

 44,206 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 41,945 total reads

 41,945 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 76,330 total reads

 76,330 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 178,155 total reads

 178,155 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 218,712 total reads

 218,712 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 237,600 total reads

 237,600 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top