4-libong food packs, ipinamahagi ng Diocese of Malolos sa mga naapektuhan ng pagbaha

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 38,879 total reads

Patuloy na nakararanas ng pagbaha ang ilang lugar sa Bulacan dahil sa magkakasunod na linggong pag-ulan dulot ng Habagat, ayon sa Diocese of Malolos.

Ayon kay Father Melchor Ignacio, Social Action Director ng Diocese of Malolos,nasa dalawang talampakan pa ang baha sa mismong presinto ng simbahan sa Hagonoy, habang umaabot naman sa apat hanggang limang talampakan ang tubig sa ilang bahagi ng parokya ngayong araw.

Mas malala ayon sa Pari ang sitwasyon noong nakaraang linggo nang magsabay ang tubig-baha at high tide, na umabot sa 4.9 feet at nagdulot ng matinding pagbaha sa loob ng ilang araw.

Ulat ng Pari, may mga residenteng nananatili pa rin sa evacuation centers gaya ng mga covered court at paaralan, bagama’t karamihan ay nananatili sa kanilang mga tahanan.

Samantala, umaabot sa Four Thousand food packs na ang naipamahagi ng Diocese of Malolos, habang patuloy ang monitoring at pagtulong sa mga residenteng inilikas habang nagbibigay rin ng relief goods ang ilang parokya, kabilang ang mga hot meals na inihahatid sakay ng bangka sa mga lugar na hindi madaling marating.

“Sa Diocese of Malolos, ang na-release na sa amin is more than 4,000 na rin naman yung napamigay na food packs. And then, last week ay patuloy ang pag-monitor at pagtulong sa mga inilikas. At the same time, may mga parishes din na nag-provide ng mga reliefs. At dito naman ay merong mga tao na may mabuting kalooban para magbigay ng kahit mga hot meals na nakabangka,” ayon sa panayam kay Father Ignacio sa Programang Caritas In Action

Kabilang sa mga lugar na patuloy na binabantayan ang Calumpit, partikular ang mga coastal areas na matagal nang nakararanas ng pagbaha. Ayon kay Father Ignacio, may ilang lugar na hindi tuluyang nawawalan ng tubig.

Kabilang din sa mga nangangailangan ng tulong ang ilang coastal communities mula sa Malolos, Obando at Hagonoy, kung saan tinatayang nasa 1,000 pamilya ang naapektuhan at nahirapang makalabas noong kasagsagan ng Habagat.

Bukod sa pagbaha, agad ding tutugon ang Diocese of Malolos sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Gintiva, Venezuela, sa pamamagitan ng pagpapadala ng food packs, habang ngayong araw ay nananatiling nakaabang lamang ang Diocese para sa iba pang mga lugar na maaaring mangailangan ng ayuda, lalo na habang nagpapatuloy ang pag-ulan.

“Siguro po, ang isa na dito ay food packs pa rin, kasi meron pa ring mga bahay na binaha. At kaninang umaga ay nagkaroon din ng sunog dito sa Gintiva, Venezuela, kung saan ay bahagi pa rin ito ng Diocese. So, doon ay magpapadala rin kami ng food packs doon sa mga pamilya na nasunugan,” bahagi pa ng panayam ng kay Fr. Ignacio

Para sa mga nais tumulong, maaaring makipag-ugnayan sa Jubilee Sheltering Program o JSP sa Lumang Bayan, Plaridel, Bulacan, na nagsisilbing sentro ng Diocese of Malolos para sa pagre-repack ng mga relief goods.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 44,213 total reads

 44,213 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 41,959 total reads

 41,959 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 76,344 total reads

 76,344 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 178,169 total reads

 178,169 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 218,726 total reads

 218,726 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 237,613 total reads

 237,613 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top