Kabataan, hinimok ni Bishop Baylon na lumahok sa ika-43 DYMP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,343 total reads

Hinihikayat ni Legazpi Bishop Joel Baylon ang mga kabataan na makilahok sa nakatakdang ika-43 Diocesan Youth Marian Pilgrimage (DYMP) sa Oktubre 3, 2026.

Sa inilabas na sirkular ni Bishop Baylon noong Agosto 19, 2026 ay inihayag ng Obispo ang tema ng gawain na “Young Hearts Aflame Like Mary, Blessed, Nurtured, and Sent Forth.”

Hinikayat ni Bishop Baylon ang mga kabataan na makilahok bilang mga “Missionary Pilgrims,” at bilang pasasalamat na rin sa 75 taon ng katapatan ng Diyos sa Diocese of Legazpi, kasabay ng paggunita sa 250 taong debosyon sa Our Lady of Salvation.

Ayon sa Obispo ang pagiging “Missionary Pilgrims” ay isang paanyaya sa mga kabataan na hindi lamang maglakbay patungo sa dambana, kundi maging mga saksi ng pananampalataya at pag-asa sa kanilang mga pamayanan.

“We encourage our youth to participate wholeheartedly in this pilgrimage as Missionary Pilgrims, giving thanks for seventy-five years of God’s faithfulness to our Diocese and celebrating two hundred fifty years of devotion to Our Lady of Salvation.” Bahagi ng panawagan ni Bishop Baylon.

Bahagi rin ang taunang pilgrimage ng Celebratory Phase ng Diamond Jubilee ng Diocese of Legazpi, na naglalayong tulungan ang kabataan na higit na mapalalim ang kanilang pananampalataya, pag-ibig kay Maria, at pagtugon sa misyon ng Simbahan bilang mga kabataang misyonero.

“This annual expression of youth Marian devotion forms part of the Celebratory Phase of our Diocesan Diamond Jubilee, offering our young people a grace-filled opportunity to renew their faith, deepen their love for Mary, and embrace more fully the mission of the Church.” Dagdag pa ni Bishop Baylon.

Nakatakda ang ika-43 Diocesan Youth Marian Pilgrimage (DYMP) sa Oktubre 3, 2026, mula alas-4:00 ng madaling-araw hanggang ala-1:00 ng hapon.

Kabilang sa mga gawain ang sabayang kumpisal, vocation promotion, Poems for Ina at Harana ki Ina, bago ang Banal na Misa sa ganap na alas-10:00 ng umaga.

Magsisimula ang pilgrimage sa St. Carlo Acutis Quasi-Parish sa Barangay Naga, Tiwi, at magtatapos sa Parish and Diocesan Shrine of Our Lady of Salvation sa Barangay Joroan kung saan dadaan ang mga kabataan sa Sogod, Lourdes at Bariis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 226,908 total reads

 226,908 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 258,639 total reads

 258,639 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 360,463 total reads

 360,463 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 401,026 total reads

 401,026 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 412,456 total reads

 412,456 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top