Mas malalim na pagtugon ng lipunan sa karahasan, panawagan ni Cardinal David

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 36,179 total reads

Nanawagan si Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David para sa mas malalim na pagtugon ng lipunan sa karahasan matapos ang dalawang insidente ng pamamaril sa mga paaralan na kinasangkutan ng mga menor de edad sa loob lamang ng halos dalawang buwan.

Sa kaniyang pahayag sa kanyang personal na Facebook account na may titulong “NEVER AGAIN,” sinabi ng Cardinal na hindi sapat ang pagtuon lamang sa seguridad ng mga paaralan, sa halip ay kinakailangang pag-isipan kung paano naaapektuhan ng paulit-ulit na pagkakalantad sa karahasan ang mga bata at ang buong lipunan.
“Perhaps we also need to start speaking about another kind of therapy—not only for these particular children, but, metaphorically speaking, for our whole society. A kind of NATIONAL THERAPY.”
Bahagi ng pahayag ni Cardinal David.

Binigyang-diin ni Cardinal David na nangangailangan din ng pangangalaga ang mga estudyante, guro at magulang na nakaranas o nakasaksi ng karahasan.
Ayon sa Cardinal, hindi maaaring iugnay sa iisang dahilan lamang ang karahasan ng kabataan sapagkat maaaring mayroon din itong kaugnayan sa bullying, family problems, social media, psychological vulnerabilities, kapaligiran at access sa mga armas.

Gayunman, nagbabala si Cardinal David na hindi dapat maging normal sa mga bata ang karahasan, lalo na kung nakikita nila ito sa kanilang paligid, sa media o maging sa pananalita ng mga nakatatanda at lider sa lipunan.
“Youth violence almost never comes from one factor alone. Bullying by itself does not turn a child into a killer. Neither do violent games, mental illness, social media or family problems by themselves. Serious violence usually develops from a complicated interaction of grievances, relationships, environment, access to weapons, psychological vulnerabilities and social influences.”
Dagdag pa ni Cardinal David.

Pagbabahagi ng Cardinal, mahalaga ang maagang pagtugon sa bullying, pagbabanta, at mga palatandaan ng matinding pagkabalisa sa mga kabataan.

Paliwanag ni Cardinal David, hindi lamang security guards at metal detectors ang kailangan ng mga paaralan kundi mga mapagkakatiwalaang nakatatanda, counselor, at mekanismo upang ligtas na maiulat ang bullying at mga banta ng karahasan sa mga mag-aaral.

Nanawagan din ang Cardinal sa mga may-ari ng baril na tiyaking hindi ito maaabot ng mga bata, habang hinikayat ang mga magulang na turuan ang kanilang mga anak na harapin ang galit, sakit at pagkadismaya nang hindi nauuwi sa paghihiganti.
“We need to teach our children how to deal with anger without converting anger into hatred; how to respond to humiliation without imagining revenge; how to seek justice without becoming unjust themselves. And perhaps we adults need to learn those things again too.” Ani Cardinal David.

Binigyang-diin ng Cardinal na ang pagtugon sa karahasan ay hindi lamang tungkol sa pagpaparusa kundi sa pagpapagaling ng isang lipunan, sa pamamagitan ng katotohanan, katarungan, empathy, conflict resolution at paggalang sa dignidad ng bawat tao.
“A wounded society therefore needs more than punishment. It needs healing. It needs truth-telling and memory. It needs justice for victims. It needs spaces where anger can be spoken before it turns into hatred. It needs schools that teach empathy and conflict resolution. It needs families where children learn that strength does not mean domination. It needs public officials who understand that their words educate the nation whether they intend them to or not.” Ayon pa kay Cardinal David.

Samantala, hinikayat din ni Cardinal David ang lipunan na simulan ang pag-aalis ng mga larawang nagbubunsod ng karahasan, mga kaisipang naghahasik ng poot, mga salitang nagpapalaganap ng galit at mga kamay na maaaring manakit.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 226,889 total reads

 226,889 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 258,620 total reads

 258,620 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 360,444 total reads

 360,444 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 401,007 total reads

 401,007 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 412,438 total reads

 412,438 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top