Kabataan, hinimok ni Bishop Baylon na lumahok sa ika-43 DYMP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,004 total reads

Hinihikayat ni Legazpi Bishop Joel Baylon ang mga kabataan na makilahok sa nakatakdang ika-43 Diocesan Youth Marian Pilgrimage (DYMP) sa Oktubre 3, 2026.

Sa inilabas na sirkular ni Bishop Baylon noong Agosto 19, 2026 ay inihayag ng Obispo ang tema ng gawain na “Young Hearts Aflame Like Mary, Blessed, Nurtured, and Sent Forth.”

Hinikayat ni Bishop Baylon ang mga kabataan na makilahok bilang mga “Missionary Pilgrims,” at bilang pasasalamat na rin sa 75 taon ng katapatan ng Diyos sa Diocese of Legazpi, kasabay ng paggunita sa 250 taong debosyon sa Our Lady of Salvation.

Ayon sa Obispo ang pagiging “Missionary Pilgrims” ay isang paanyaya sa mga kabataan na hindi lamang maglakbay patungo sa dambana, kundi maging mga saksi ng pananampalataya at pag-asa sa kanilang mga pamayanan.

“We encourage our youth to participate wholeheartedly in this pilgrimage as Missionary Pilgrims, giving thanks for seventy-five years of God’s faithfulness to our Diocese and celebrating two hundred fifty years of devotion to Our Lady of Salvation.” Bahagi ng panawagan ni Bishop Baylon.

Bahagi rin ang taunang pilgrimage ng Celebratory Phase ng Diamond Jubilee ng Diocese of Legazpi, na naglalayong tulungan ang kabataan na higit na mapalalim ang kanilang pananampalataya, pag-ibig kay Maria, at pagtugon sa misyon ng Simbahan bilang mga kabataang misyonero.

“This annual expression of youth Marian devotion forms part of the Celebratory Phase of our Diocesan Diamond Jubilee, offering our young people a grace-filled opportunity to renew their faith, deepen their love for Mary, and embrace more fully the mission of the Church.” Dagdag pa ni Bishop Baylon.

Nakatakda ang ika-43 Diocesan Youth Marian Pilgrimage (DYMP) sa Oktubre 3, 2026, mula alas-4:00 ng madaling-araw hanggang ala-1:00 ng hapon.

Kabilang sa mga gawain ang sabayang kumpisal, vocation promotion, Poems for Ina at Harana ki Ina, bago ang Banal na Misa sa ganap na alas-10:00 ng umaga.

Magsisimula ang pilgrimage sa St. Carlo Acutis Quasi-Parish sa Barangay Naga, Tiwi, at magtatapos sa Parish and Diocesan Shrine of Our Lady of Salvation sa Barangay Joroan kung saan dadaan ang mga kabataan sa Sogod, Lourdes at Bariis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 19,965 total reads

 19,965 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 43,252 total reads

 43,252 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 79,753 total reads

 79,753 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 300,377 total reads

 300,377 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 333,895 total reads

 333,895 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top