Single ticketing sytem sa lumalabag sa environmental laws, iminungkahi ng MMDA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 37,613 total reads

Isinusulong ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pag-aaral sa isang single ticketing system para sa ilang paglabag sa environmental laws, partikular sa illegal dumping.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni MMDA General Manager Nicolas Torre III na ang naturang hakbang ay upang maging magkakatulad ang mga pamantayan at pagpapatupad ng waste management sa buong Metro Manila.

Ayon kay Torre, maaaring gamitin ang konsepto ng single ticketing system sa traffic bilang modelo sa pagpapatupad ng mga ordinansa laban sa maling pagtatapon ng basura sa Metro Manila.
“What we want to study now, sa panukalang ito, is whether we can establish common definitions, common standards, harmonized penalties, and eventually, interoperable enforcement system across Metro Manila. Pero hindi ibig sabihin niyan, kukunin ng MMDA ang trabaho ng LGU. In fact, ang LGU remains a very important part of this because solid waste management is primarily implemented sa local level talaga ‘yan.” Bahagi ng pahayag ni Torre sa Radyo Veritas.

Ipinaliwanag ni Torre na mananatiling pangunahing katuwang ang mga lokal na pamahalaan sa solid waste management, habang magiging bahagi ng MMDA ang metropolitan-wide coordination upang maiwasang magkanya-kanya ang mga lungsod sa pagpapatupad ng mga patakaran.

Pagbabahagi ni Torre, hindi kinikilala ng basura ang mga hangganang pampolitika dahil ang basurang itinapon sa isang lugar ay maaaring bumara sa mga daluyan ng tubig at makaapekto sa ibang lungsod o maging sa mga karatig-probinsiya.
“Ang pagtingin talaga ng MMDA diyan, because wala namang nakikita o nirerespetong political boundaries ang basura eh. Ang basurang itinapon sa isang lugar can eventually clog a waterway affecting another city or another province pa nga, lalo na diyan sa paligid-ligid ng Manila Bay.” Dagdag pa ni Torre.

Binigyang-diin din ni Torre ang pangangailangang magkaroon ng kultura ng disiplina sa pagtatapon ng basura, hindi lamang dahil may nagbabantay o may posibilidad na maparusahan.
Aniya, likas na may pagpapahalaga sa kalinisan ang maraming Pilipino, ngunit hamon pa ring maisabuhay ang ganitong pagpapahalaga sa mga pampublikong lugar.

“Gusto natin… ang Pilipino… ay sumusunod sa batas, hindi dahil takot na may enforcer o dahil takot na may CCTV na nanonood, kundi gagawin nila dahil alam nilang ito ang tama at ito ang nakabubuti para sa nakararami.” Ani Torre.

Samantala, sinabi ni Torre na mayroon nang umiiral na mga parusa laban sa illegal dumping, kabilang ang ₱500 na multa sa ilalim ng mga umiiral na patakaran, kung saan maaari ring gamitin ang mga camera at iba pang teknolohiya upang matukoy ang mga lumalabag at maipatupad ang mga kaukulang parusa.

Nilinaw naman ng opisyal na hindi pa ito panibagong batas, kundi pag-aaral kung paano mapag-iisa at mapapahusay ang mga umiiral na ordinansa at best practices ng mga LGU sa Metro Manila.
Sa pananaw ng Simbahan, mahalaga ang mga hakbang na nagsusulong ng pangangalaga sa kapaligiran bilang bahagi ng pananagutan ng bawat tao sa common good kung saan ang tunay na disiplina sa basura ay hindi lamang usapin ng pagsunod sa batas, kundi pagpapakita rin ng malasakit sa kapwa at sanilikha.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 226,892 total reads

 226,892 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 258,623 total reads

 258,623 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 360,447 total reads

 360,447 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 401,010 total reads

 401,010 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 412,440 total reads

 412,440 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top