Isaalang-alang ang kaligtasan at karapatan ng mga manggagawa, panawagan ng TUCP sa employers

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 37,958 total reads

Nanawagan ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa mga employer na higit na isaalang-alang ang kaligtasan at karapatan ng mga manggagawa sa panahon ng bagyo, baha at iba pang sakuna, lalo na kung mapanganib na ang pagpasok sa trabaho.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni TUCP Spokesperson Carlos Miguel Oñate na nakapaloob sa Occupational Safety and Health Law ang karapatan ng manggagawa na tumanggi sa trabahong itinuturing na mapanganib.

“Meron tayong Occupational Safety and Health Law, meron pong right to refuse unsafe work. May karapatan po ‘yung bawat manggagawa na hindi pumasok kung delikado na, Lalo itong in the past few days na ito, baha na ‘yung kalsada, baha na ‘yung kanilang mga tahanan, meron po silang karapatan na hindi pumasok, Hindi pwede silang pilitin ng employer.” Bahagi ng pahayag ni Oñate sa Radyo Veritas.

Gayunman, sinabi ni Oñate na nananatiling hamon para sa mga manggagawa sa pribadong sektor ang “no work, no pay” policy.

Aniya, bagama’t maaaring hindi pilitin ng employer ang isang manggagawa na pumasok sa mapanganib na sitwasyon, maaaring mawalan naman ito ng sahod kung hindi papasok.
“Ang problema nga lang po na under sa ating mga labor advisory ng DOLE, eh kailangan po, ‘no, kung kayo po’y hindi makakapasok kahit na hindi natin kasalanan ‘yung baha at bagyo, eh “no work, no pay” po eh. ‘Yun ‘yung problema para sa ating mga manggagawa sa pribadong sektor… Meron nga pong karapatan, kaya lang ang nagbabayad para sa karapatan na ‘yon, ‘yung manggagawa pa rin.” Dagdag pa ni Oñate.

Ayon kay Oñate, mas may proteksiyon ang mga manggagawang kabilang sa unyon dahil maaaring nakapaloob sa Collective Bargaining Agreement (CBA) ang mga probisyon para sa sahod kahit suspendido ang trabaho dahil sa kalamidad.

Samantala, hinikayat niya ang mga manggagawang makararanas ng paglabag sa kanilang karapatan na idulog ito sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamamagitan ng Single Entry Approach.

“Dito nakikita natin yung diperensya ng may unyon at sa walang unyon, Kasi kung meron ho kayong unyon, mas madali ho itong maparating itong concern na ‘to, and in fact, marami pong mga CBA na nakalagay para protektahan talaga na kahit walang pasok dahil may bagyo, eh meron ka pa ring sahod dahil ‘yan ay napag-negotiate na sa employer. Dun po sa mga non-unionized, unfortunately, wala po tayong ganung sinasandalan.” Ani Oñate.

Binigyang-diin din ng TUCP ang sitwasyon ng mga contractual at independent workers na maaaring hindi ganap na napoprotektahan ng kasalukuyang labor system.

Aniya, dapat tingnan ang aktuwal na kalagayan ng trabaho at hindi lamang ang label na nakasaad sa kontrata.
Sa pananaw ng Simbahan, ang kaligtasan at makatarungang pagtrato sa manggagawa ay bahagi ng dignidad ng paggawa, kung saan hindi dapat ituring na kapalit ng kita o produksyon ang buhay at kaligtasan ng tao, lalo na sa panahon ng kalamidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 226,892 total reads

 226,891 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 258,623 total reads

 258,622 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 360,447 total reads

 360,446 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 401,010 total reads

 401,009 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 412,441 total reads

 412,441 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top