Katarungan para kay RJ Ledesma, panawagan ni Bishop Alminaza

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,422 total reads

Nanawagan si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ng katarungan para sa journalist na si RJ Nichole Ledesma, kasabay ng paglulunsad ng #JusticeforRJLedesma campaign noong Agosto 30, 2026 na nataon rin sa paggunita ng National Press Freedom Day at ika-31 kaarawan ng yumaong mamamahayag.

Sa kanyang mensahe sa Altermidya, binigyang-diin ni Bishop Alminaza na siya ring chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action, Justice, and Peace na hindi makakamit ang tunay na kapayapaan kung walang katarungan, paggalang sa karapatang pantao, at pangangalaga sa kalikasan.

“For us, there can never be real peace, authentic peace, without justice, without respect for human rights, as well as care for the environment.” Bahagi ng mensahe ni Bishop Alminaza.

Ayon sa Obispo, partikular na mahalaga ito para sa mga taga-Negros, kasunod ng insidente sa Toboso kung saan kabilang si Ledesma sa 19 na indibidwal na nasawi.

Inilarawan ni Bishop Alminaza si Ledesma bilang isang marangal na mamamahayag na naging katuwang ng komunidad sa pagtataguyod ng pangangalaga sa kalikasan at karapatang pantao sa lugar.

“Nakakabahala kasi isa siyang marangal na journalist, kasama namin sa pag-protect ng environment and also to promote human rights.” Dagdag pa ni Bishop Alminaza.

Sa paggunita kay Ledesma, hinimok din ng Obispo ang publiko na huwag kalimutan ang sinapit ng mamamahayag at ang kanyang naging ambag sa komunidad.

“Kaya ginugunita natin ngayon ‘yung nangyari kay RJ Ledesma at pinapasalamatan din natin siya dahil sa kanyang nagawa, at sana naman hindi natin makalimutan ang nangyari sa kanya.” Ayon pa kay Bishop Alminaza.

Samantala, binigyang-diin din ni Bishop Alminaza na ang panawagan para sa katarungan ay hindi lamang para kay Ledesma kundi bahagi rin ng paghahangad ng tunay at pangmatagalang kapayapaan sa buong bansa.

“Nananawagan tayo ng justice for RJ kasi kung walang hustisya, wala ring tunay na kapayapaan.” Ani Bishop Alminaza.

Sa harap ng patuloy na mga hamon sa karapatang pantao, kalayaan sa pamamahayag at pangangalaga sa kalikasan, iginiit din ni Bishop Alminaza na ang pagkamit ng kapayapaan ay nangangailangan ng sama-samang pagkilos para sa katarungan at dignidad ng bawat tao

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 42,901 total reads

 42,901 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 147,655 total reads

 147,655 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 233,765 total reads

 233,765 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 303,899 total reads

 303,899 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 335,793 total reads

 335,793 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top