Deboto at peregrino, inaanyayahan sa Diocesan Fatima conference

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,133 total reads

Inaanyayahan ng National Shrine of Our Lady of Fatima sa Valenzuela City ang mga deboto at peregrino na dumalo sa Diocesan Fatima Conference sa September 13, kasabay ng paggunita sa anibersaryo ng ikalimang aparisyon ng Mahal na Birhen ng Fatima.

Layunin ng pagtitipon na palalimin ang pag-unawa ng mga deboto sa mensahe ng Fatima bilang bahagi ng kanilang espirituwal na paglago.

“The conference intends to deepen the understanding of the Fatima message among the devotees of Our Lady of Fatima; thus, contributing to their spiritual growth.”

Nilalayon din ng pagpupulong na itaguyod ang makabuluhang ugnayan sa buhay at misyon ng simbahan sa pamamagitan ng mga paghuhubog sa mga mananampalataya.

Gayundin ang paghikayat sa pagkakaroon ng pilgrimage sa pambansang dambana na itinalaga sa Birhen ng Fatima.

Magsisimula ang programa alas 12:30 ng tanghali sa pagdating ng mga kalahok, susundan ng pagdarasal ng Santo Rosaryo alas-1 ng hapon at welcome message ni Fr. Elmer Ignacio, rector ng national shrine.

Alas-1:45 naman ang unang talakayan na pangungunahan ni Fr. Raymond Joseph Arre, sa paksang “Marian Apparitions: Call to Penance and Conversion,” habang alas-2:45 ang ikalawang talakayan ni Fr. Julius De Sagun, na tatalakay naman sa paksang “The Children of Fatima: Models of Faith and Spiritual Reparation.”

Alas-4 ng hapon ang Exposition of the Blessed Sacrament at Chaplet of the Angel of Peace, bago ang pagdiriwang ng banal na misa sa alas-5 ng hapon na pangungunahan ni Cubao Bishop Elias Ayuban, Jr., at kasalukuyang apostolic administrator Diocese of Parañaque, kasama si Malolos Bishop Dennis Villarojo, na siya namang national spiritual director ng World Apostolate of Fatima Philippines.

Susundan ang Banal na Misa ng maringal na prusisyon ng National Pilgrim Image of Our Lady of Fatima sa loob ng Shrine.

Inaanyayahan ang mga lider at miyembro ng World Apostolate of Fatima, mga kasapi ng Marian associations, mga parokyano, deboto at mga peregrino na dumalo sa marian conference.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 231,492 total reads

 231,492 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 263,223 total reads

 263,223 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 365,047 total reads

 365,047 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 405,610 total reads

 405,610 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 416,736 total reads

 416,736 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top