Tao, dapat pangalagaan ng simbahan at hindi AI

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,497 total reads

Nagbabala ang isang pari na maaaring maging mas “artipisyal” ang tao kaysa sa artificial intelligence kung hindi mapangangalagaan ang kanyang pagkakakilanlan, dignidad at kakayahang kumilatis sa gitna ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya.

Ito ang binigyang-diin ni Fr. Norman Melchor Peña, SSP, sa kanyang panayam tungkol sa mga hamon sa charism at governance ng mga religious congregations sa makabagong mundo, sa diwa ng Magnifica Humanitas ni Pope Leo XIV sa ginaganap na national convention ng Conference of Major Superiors in the Philippines o CMSP sa Zamboanga City.

“The challenge is not that AI becomes too human, but that the human person becomes more artificial,” ayon kay Fr. Peña.

Inihayag ng pari na hindi sapat na matutuhan lamang ng mga relihiyoso kung paano gamitin ang artificial intelligence kundi higit na mahalaga ang pagpapanatili ng tunay na pagkatao habang ginagamit ang teknolohiya.

“The challenge is not merely learning how to use AI, but ensuring that while using them, persons remain authentically human. Reflective rather than reactive. Discerning rather than dependent.
Creative rather than just copying. Responsible rather than reckless,”
giit ni Fr. Peña.

Binigyang-diin ng pari na sa panahon ng AI, ang unang dapat pangalagaan ng Simbahan ay hindi ang teknolohiya kundi ang tao.

“At the moment when artificial intelligence is transforming education work and everything, the Church’s first concern is not the digital instrument, but should be the human person,” aniya.

Hamon ni Fr. Peña sa mga kapwa relihiyos lalo na sa mga religious superior na maging prophetic sa kanilang pamumuno at pagtibayin ang pagkakilanlan ng bawat kasapi ng kongregasyon.

“As superiors, each of you are asked to be prophetic. Not to abolish, but actually to incarnate and affirm the identities of each of your members,” saad pa ni Fr. Peña.

Sinabi rin ng pari na dapat tingnan ang AI bilang katuwang ng tao at hindi bilang kapalit nito.

Iginiit Fr. Peña na ang hamon sa buhay-relihiyoso sa digital age ay hindi lamang kung paano haharapin ang teknolohikal na pagbabago, kundi kung paano mananatiling tapat ang mga relihiyoso sa kanilang karisma, bokasyon at pagkakakilanlan habang patuloy na naglalakbay sa mabilis na pag-unlad ng mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 78,311 total reads

 78,311 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 172,998 total reads

 172,998 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 217,266 total reads

 217,266 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 240,375 total reads

 240,375 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 311,986 total reads

 311,986 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top