Pangangalaga sa kalikasan, bahagi ng pananampalataya, pananagutan sa kapwa at katarungan sa mahihirap

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,157 total reads

Binigyang-diin ni Fr. Virgilio “Vonci” Del Mundo, OFM, Rector at Parish Priest ng National Shrine of Our Lady of the Abandoned o Sta. Ana Church na ang pangangalaga sa kalikasan ay hindi lamang usaping pangkapaligiran kundi bahagi rin ng pananampalataya, pananagutan sa kapwa, at katarungan para sa mga mahihirap.

Ayon kay Fr. Del Mundo, dapat magsimula ang pag-unawa ng tao sa sangnilikha sa pagkilala kay Kristo dahil ang lahat ay nilikha sa pamamagitan ni Kristo.

Para kay Hesukristo, hindi dapat ituring ang kalikasan bilang sariling pag-aari o simpleng mapagkukunan ng pakinabang, kundi bilang biyayang ipinagkatiwala upang pangalagaan.

Iniugnay ng pari ang aral na ito sa Ebanghelyo tungkol sa pagpapatahimik ni Hesus sa malakas na bagyo, na nagpapakita sa Kaniya bilang Panginoon ng sangnilikha kaya hindi maaaring ihiwalay ang pagmamalasakit sa kalikasan sa pagmamalasakit sa kapwa, lalo na sa mga mahihirap na higit na naaapektuhan ng pagkasira ng kapaligiran at kawalan ng access sa pangunahing pangangailangan.

““Creation ay hindi lamang po ito tungkol sa atin na nilikha, hindi rin ito umiikot sa atin bilang tao, it tells us that Christ is the center of creation. Ang dagat sa Kanya, ang tubig sa Kanya, ang lupa ay sa Kanya, even our own life ay sa Kanya. And if everything was created through Christ and for Christ, then creation is not simply something that we own at ginagamit. It is something that is entrusted to us, ipinagkatiwala lamang sa atin,” ayon sa naging pagninilaw ni Fr.Del Mundo para sa Season of Creation ng Simbahang Katolika.

Sinabi ni Fr. Del Mundo na ang Season of Creation ay panahon ng ecological conversion o pagbabago sa paraan ng pagtingin at pagkilos ng tao para sa kalikasan at kapwa kaya.

Hinamon ng pari ang mga mananampalataya na suriin kung ang kanilang pakikitungo sa kalikasan ay nagpapakita ng tunay na pananampalataya at malasakit sa kapwa, lalo na sa mga komunidad na nakararanas ng baha, polusyon at kakulangan sa malinis na tubig.

“Kaya ang Season of Creation ay panahon po ng spiritual conversion, Pope Francis calls this ecological conversion, pagbabago ng pamamaraan kung paano natin dapat tingnan ang kalikasan at ang ating kapwa. Natutunan po ni San Francisco kung paano dapat tumingin sa kalikasan at sa kapwa, nabago din ang pakikitungo niya sa mga mahihirap. From possession to gratitude, from domination to fraternity, from consumption to simplicity, from indifference to care. Nawa ang Season of Creation na ito matuto po tayong tumingin katulad ni San Francisco, with wonder, with gratitude, with fraternity, with compassion for the poor and God’s creation,” bahagi pa ng pagninilay ni Fr. Del Mundo.

Ito ang mensahe ni Fr.Del Mundo sa pagsisimula ng Season of Creation 2026 sa National Shrine of Our Lady of the Abandoned o Sta. Ana Church, sa pangunguna ng Archdiocese of Manila na may temang “Immersion in Living Water,” o “Tubig ng Buhay, Daluyan ng Biyaya.”

Tao, dapat pangalagaan ng simbahan at hindi AI

 1,150 total reads

 1,150 total reads Nagbabala ang isang pari na maaaring maging mas “artipisyal” ang tao kaysa sa artificial intelligence kung hindi mapangangalagaan ang kanyang pagkakakilanlan, dignidad at

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 102,156 total reads

 102,156 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 136,834 total reads

 136,834 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 160,252 total reads

 160,252 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 196,738 total reads

 196,738 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 208,534 total reads

 208,534 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top