Pangangalaga sa kalikasan, bahagi ng pananampalataya, pananagutan sa kapwa at katarungan sa mahihirap

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,609 total reads

Binigyang-diin ni Fr. Virgilio “Vonci” Del Mundo, OFM, Rector at Parish Priest ng National Shrine of Our Lady of the Abandoned o Sta. Ana Church na ang pangangalaga sa kalikasan ay hindi lamang usaping pangkapaligiran kundi bahagi rin ng pananampalataya, pananagutan sa kapwa, at katarungan para sa mga mahihirap.

Ayon kay Fr. Del Mundo, dapat magsimula ang pag-unawa ng tao sa sangnilikha sa pagkilala kay Kristo dahil ang lahat ay nilikha sa pamamagitan ni Kristo.

Para kay Hesukristo, hindi dapat ituring ang kalikasan bilang sariling pag-aari o simpleng mapagkukunan ng pakinabang, kundi bilang biyayang ipinagkatiwala upang pangalagaan.

Iniugnay ng pari ang aral na ito sa Ebanghelyo tungkol sa pagpapatahimik ni Hesus sa malakas na bagyo, na nagpapakita sa Kaniya bilang Panginoon ng sangnilikha kaya hindi maaaring ihiwalay ang pagmamalasakit sa kalikasan sa pagmamalasakit sa kapwa, lalo na sa mga mahihirap na higit na naaapektuhan ng pagkasira ng kapaligiran at kawalan ng access sa pangunahing pangangailangan.

““Creation ay hindi lamang po ito tungkol sa atin na nilikha, hindi rin ito umiikot sa atin bilang tao, it tells us that Christ is the center of creation. Ang dagat sa Kanya, ang tubig sa Kanya, ang lupa ay sa Kanya, even our own life ay sa Kanya. And if everything was created through Christ and for Christ, then creation is not simply something that we own at ginagamit. It is something that is entrusted to us, ipinagkatiwala lamang sa atin,” ayon sa naging pagninilaw ni Fr.Del Mundo para sa Season of Creation ng Simbahang Katolika.

Sinabi ni Fr. Del Mundo na ang Season of Creation ay panahon ng ecological conversion o pagbabago sa paraan ng pagtingin at pagkilos ng tao para sa kalikasan at kapwa kaya.

Hinamon ng pari ang mga mananampalataya na suriin kung ang kanilang pakikitungo sa kalikasan ay nagpapakita ng tunay na pananampalataya at malasakit sa kapwa, lalo na sa mga komunidad na nakararanas ng baha, polusyon at kakulangan sa malinis na tubig.

“Kaya ang Season of Creation ay panahon po ng spiritual conversion, Pope Francis calls this ecological conversion, pagbabago ng pamamaraan kung paano natin dapat tingnan ang kalikasan at ang ating kapwa. Natutunan po ni San Francisco kung paano dapat tumingin sa kalikasan at sa kapwa, nabago din ang pakikitungo niya sa mga mahihirap. From possession to gratitude, from domination to fraternity, from consumption to simplicity, from indifference to care. Nawa ang Season of Creation na ito matuto po tayong tumingin katulad ni San Francisco, with wonder, with gratitude, with fraternity, with compassion for the poor and God’s creation,” bahagi pa ng pagninilay ni Fr. Del Mundo.

Ito ang mensahe ni Fr.Del Mundo sa pagsisimula ng Season of Creation 2026 sa National Shrine of Our Lady of the Abandoned o Sta. Ana Church, sa pangunguna ng Archdiocese of Manila na may temang “Immersion in Living Water,” o “Tubig ng Buhay, Daluyan ng Biyaya.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 41,588 total reads

 41,588 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 146,394 total reads

 146,394 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 232,504 total reads

 232,504 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 302,638 total reads

 302,638 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 334,582 total reads

 334,582 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top