Kahirapan at pagkasira ng kalikasan, dulot ng kasakiman at pagkamkam sa likas na yaman

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 973 total reads

Ini-uugnay ni Fr. Ricardo Valencia, Priest Minister ng Archdiocese of Manila Ministry on Integral Ecology, ang kahirapan at pagkasira ng kalikasan sa kasakiman sa paggamit at pagkamkam ng likas na yaman na lubhang nakapipinsala sa kapwa at sa kapaligiran.

Ayon kay Fr.Valencia, maaaring mapakinabangan ng lahat ang ekonomiya kung walang labis na pagkamakasarili sa pagpapayaman at pagkuha ng yamang hindi naman para sa isang indibidwal o grupo.

Iginiit ni Father Valencia na hindi maaaring paghiwalayin ang usapin ng ekonomiya, kahirapan at pangangalaga sa kalikasan, dahil ang hindi makatarungang paggamit at pamamahagi ng likas yaman ay maaaring magpalala kahirapan at environmental degradation.

“Well, ang ekonomiya ay ma-enjoy sana ng lahat kung wala ang kasalanan. At ang kasalanan ay pagiging ganid. Hindi masisira ang kalikasan ‘pag walang mga ganid. Walang naghihirap ‘pag walang sobrang nagpapapayaman o kumukuha ng hindi para sa kanila. So, ganid ang problema ng lahat, pati ng kalikasan at ng mga mahihirap.” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Valencia.

Nanawagan ang Ministry on Integral Ecology para sa higit na panalangin at kamalayan ng mga Katoliko sa pangangalaga sa kalikasan, kasabay ng paggunita sa World Day of Prayer for the Care of Creation tuwing Setyembre.

Inihayag naman Brother Adrian Tambuyat, Ministry Coordinator ng Archdiocese of Manila Ministry on Integral Ecology na mahalagang makita ng mga Kristiyano ang simbolo ng Simbahan, gaya ng pagtunog ng kampana, hindi lamang bilang babala sa panahon ng panganib kundi bilang paanyaya rin sa panalangin.

Kaugnay nito, sinabi ni Tambuyat na bahagi ng panawagan ng Simbahan ang paglalaan ng panalangin para sa pangangalaga sa sangnilikha, lalo na sa harap ng mga suliraning pangkapaligiran na nakaaapekto rin sa buhay at kabuhayan ng mga komunidad.

Sa ika-6 ng Setyembre 2026, itinakda sa Pilipinas ang Misa para sa Pangangalaga sa sangnilikha na bahagi ng mga gawain sa Season of Creation ng Archdiocese of Manila Ministry on Integral Ecology.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 105,087 total reads

 105,087 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 139,765 total reads

 139,765 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 162,975 total reads

 162,975 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 199,461 total reads

 199,461 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 211,107 total reads

 211,107 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top