Mass for the Season of Creation, ipagdiriwang sa lahat ng Parokya sa Diocese of San Pablo.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,700 total reads

Ipagdiriwang ng lahat ng parokya at komunidad sa Diocese of San Pablo ang Mass for the Season of Creation sa Setyembre 6, 2026, bilang pakikiisa sa pandaigdigang Simbahang Katolika sa buwang paggunita para sa pangangalaga sa sangnilikha.

Ayon sa Diocesan Liturgical Commission ng Diyosesis ng San Pablo, isasagawa ang pagdiriwang alinsunod sa kautusan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at sa pakikiisa sa universal Church, na nagsisimula ng Setyembre 1 ang Season of Creation.

Sa halip na karaniwang liturhiya para sa 23rd Sunday in Ordinary Time sa Setyembre 6, 2026 araw ng Linggo ay gagamitin ang Misa para sa “Creation Day,” na kilala rin bilang World Day of Prayer for the Care of Creation.

“This celebration calls the faithful to prayer and concrete action for the care of creation, which manifests the goodness and beauty of God. Therefore, in communion with the universal Church, and in accordance with the decree of the Bishops’ Conference of the Philippines, all parishes and communities in the Diocese shall celebrate the Mass for the Season of Creation on 6 September 2026.” Bahagi ng pahayag ng Diyosesis ng San Pablo.

Gagamitin din ang bagong aprubadong formulary at biblical readings ng “Missa pro custodia creationis,” na maaaring makukuha sa Filipino at English.

Binigyang-diin ng Diocese of San Pablo na hindi opsyonal ang pagdiriwang kundi obligatory, matapos itong iendorso ng CBCP at aprubahan ng Holy See.

Inihayag ng Diocesan Liturgical Commission ng Diyosesis ng San Pablo na ang pagdiriwang ay bahagi ng pakikiisa ng lokal na Simbahan sa misyon ng Simbahang Katolika para sa integral ecology at synodal renewal.

Kaugnay nito, binigyang-diin ng komisyon ang panawagan ni Pope Leo XIV sa kanyang homiliya noong Mass for the Care of Creation noong Hulyo 9, 2025, na ang pangangalaga sa sangnilikha at pagsusulong ng kapayapaan at pagkakasundo ay bahagi mismo ng misyon ni Kristo na ipinagkatiwala sa Simbahan.

“Our mission to care for creation, to foster peace and reconciliation, is Jesus’ own mission, the mission that the Lord entrusts to us.” Dagdag pa ng Diyosesis ng San Pablo.
Binigyang-diin din ng Santo Papa ang pagkakaugnay ng pagkasira ng kalikasan at paghihirap ng mga maralita.

“We hear the cry of the earth and we hear the cry of the poor, because this plea has reached the heart of God.” Ayon pa sa Diyosesis ng San Pablo.

Sa pamamagitan ng Season of Creation, hinihikayat ang mga mananampalataya na hindi lamang manalangin para sa kalikasan kundi isabuhay ang konkretong pananagutan sa pangangalaga sa nilikha.
Hinimok naman ng Diyosesis ng San Pablo ang mga mananampalataya na makiisa sa pagdiriwang sa pamamagitan ng panalangin, pagkakawanggawa at tapat na pangangalaga sa nilikha ng Diyos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 41,608 total reads

 41,608 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 146,414 total reads

 146,414 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 232,524 total reads

 232,524 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 302,658 total reads

 302,658 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 334,602 total reads

 334,602 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top