Kahirapan at pagkasira ng kalikasan, dulot ng kasakiman at pagkamkam sa likas na yaman

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,051 total reads

Ini-uugnay ni Fr. Ricardo Valencia, Priest Minister ng Archdiocese of Manila Ministry on Integral Ecology, ang kahirapan at pagkasira ng kalikasan sa kasakiman sa paggamit at pagkamkam ng likas na yaman na lubhang nakapipinsala sa kapwa at sa kapaligiran.

Ayon kay Fr.Valencia, maaaring mapakinabangan ng lahat ang ekonomiya kung walang labis na pagkamakasarili sa pagpapayaman at pagkuha ng yamang hindi naman para sa isang indibidwal o grupo.

Iginiit ni Father Valencia na hindi maaaring paghiwalayin ang usapin ng ekonomiya, kahirapan at pangangalaga sa kalikasan, dahil ang hindi makatarungang paggamit at pamamahagi ng likas yaman ay maaaring magpalala kahirapan at environmental degradation.

“Well, ang ekonomiya ay ma-enjoy sana ng lahat kung wala ang kasalanan. At ang kasalanan ay pagiging ganid. Hindi masisira ang kalikasan ‘pag walang mga ganid. Walang naghihirap ‘pag walang sobrang nagpapapayaman o kumukuha ng hindi para sa kanila. So, ganid ang problema ng lahat, pati ng kalikasan at ng mga mahihirap.” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Valencia.

Nanawagan ang Ministry on Integral Ecology para sa higit na panalangin at kamalayan ng mga Katoliko sa pangangalaga sa kalikasan, kasabay ng paggunita sa World Day of Prayer for the Care of Creation tuwing Setyembre.

Inihayag naman Brother Adrian Tambuyat, Ministry Coordinator ng Archdiocese of Manila Ministry on Integral Ecology na mahalagang makita ng mga Kristiyano ang simbolo ng Simbahan, gaya ng pagtunog ng kampana, hindi lamang bilang babala sa panahon ng panganib kundi bilang paanyaya rin sa panalangin.

Kaugnay nito, sinabi ni Tambuyat na bahagi ng panawagan ng Simbahan ang paglalaan ng panalangin para sa pangangalaga sa sangnilikha, lalo na sa harap ng mga suliraning pangkapaligiran na nakaaapekto rin sa buhay at kabuhayan ng mga komunidad.

Sa ika-6 ng Setyembre 2026, itinakda sa Pilipinas ang Misa para sa Pangangalaga sa sangnilikha na bahagi ng mga gawain sa Season of Creation ng Archdiocese of Manila Ministry on Integral Ecology.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 20,084 total reads

 20,084 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 43,361 total reads

 43,361 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 79,862 total reads

 79,862 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 300,486 total reads

 300,486 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 333,997 total reads

 333,997 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top