Mababang interest rates sa housing loans, tiniyak ng Pag-IBIG fund

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,297 total reads

Tiniyak ng Pag-IBIG Fund ang mababang interest rates sa housing loans upang mapanatiling abot-kaya ang pagkuha ng sariling bahay ng mga manggagawa, sa gitna ng inaasahang pagtaas ng borrowing costs sa commercial housing market.

Sa pamamagitan ng Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino o Expanded 4PH Program, maaaring makakuha ang qualified socialized housing borrowers ng subsidized na 3-percent interest rate, habang may promotional rates na 4.5 percent para sa loans na hanggang ₱4.9 milyon at 5.75 percent para sa loans na higit ₱4.9 milyon hanggang ₱10 milyon.

Ayon sa Pag-IBIG Fund, nakatutulong ang affordable financing hindi lamang sa mga pamilyang nais magkaroon ng sariling tahanan kundi pati sa housing industry dahil napapanatili nito ang demand mula sa mga kwalipikadong homebuyers at nabibigyan ng mas malawak na merkado ang mga residential developers.

Inihayag ni Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Ramon Aliling, chairman ng Pag-IBIG Board of Trustees, na sa unang pitong buwan ng 2026 ay umabot sa ₱84.36 bilyon ang housing loan releases ng Pag-IBIG Fund, mas mataas ng 19% kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon at nakapagpondo para sa 52,374 housing units o 13-percent increase.

Pinakamalakas naman ang paglago sa socialized housing, kung saan umabot sa ₱8.17 bilyon ang loan releases para sa 7,803 housing units—katumbas ng 119-percent pagtaas.

Pinalalawak din ng Pag-IBIG ang partnerships nito sa mga residential developer upang madagdagan ang housing options ng mga miyembro, kabilang ang mga bagong kasunduan sa Avida Land Corp. at Amaia Land Corp., habang may halos 500 accredited developers ang ahensya sa buong bansa.

Ayon sa pamunuan ng Pag-IBIG Fund, ang pagpapanatili ng mababang housing loan rates ay bahagi ng layunin nitong gawing mas abot-kaya ang homeownership habang sinusuportahan din ang aktibidad sa housing sector.

Kahanay naman ang inisyatibo sa social teaching ng Simbahang Katolika ayon narin sa Encyclical na Rerum Novarum ni Pope Leo XIII na itinututuro at nagbigay-diin sa dignidad ng manggagawa, sapat na kabuhayan para sa pamilya, at kahalagahan ng pagkakaroon ng pagkakataon para sa mas malawak na pagmamay-ari ng ari-arian.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 41,497 total reads

 41,497 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 146,304 total reads

 146,304 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 232,414 total reads

 232,414 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 302,548 total reads

 302,548 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 334,493 total reads

 334,493 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top