2nd Marian Congress, isasagawa ng Archdiocese of Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,966 total reads

Inihayag ng Archdiocese of Manila ang pagdaraos ng Second Manila Archdiocesan Marian Congress sa Oktubre 10, 2026 sa National Shrine and Parish of Our Lady of Loreto sa Sampaloc, Manila.

Ayon sa RCAM Circular No. 2026-81 na inilabas noong Agosto 31, 2026 gaganapin ang Marian Congress mula alas-6:30 ng umaga hanggang ala-1:30 ng hapon sa loob ng shrine compound.

Tema ng Second Manila Archdiocesan Marian Congress “Ang Mahal na Birheng Maria, Ina ng Simbahang Sinodal: Hubog, Buklod, Lingkod,” na layuning ipakilala ang Mahal na Birheng Maria bilang Ina at kapwa Pilgrim ng Simbahan na kasama ng Sambayanan ng Diyos sa paglalakbay tungo sa synodality.

Nakaugat ang tema sa naging Manila Archdiocesan Ecclesial Assembly (MAEA) na bibigyang-diin ang papel ni Maria sa paghubog ng pananampalataya, pagbubuklod ng komunidad, at paglilingkod sa kapwa.

“This year’s theme, “Ang Mahal na Birheng Maria, Ina ng Simbahang Sinodal: Hubog, Buklod, Lingkod,” is a response to the recent Manila Archdiocesan Ecclesial Assembly (MAEA). The congress seeks to present the Blessed Virgin Mary as both Mother and fellow Pilgrim of the Church, accompanying the People of God in the journey of synodality through formation, unity, and service.” Bahagi ng sirkular ng Arkidiyosesis ng Maynila.

Tampok sa nakatakdang Second Manila Archdiocesan Marian Congress ang dalawang pangunahing sesyon kung saan tatalakayin ni Rev. Msgr. Pedro Gerardo O. Santos, parish priest ng St. Andrew the Apostle Parish sa Bel-Air, Makati, ang “Ang Mahal na Birheng Maria, Ina ng Simbahang Sinodal: Hubog, Buklod, Lingkod.”

Samantala, tatalakayin naman ni Rev. Msgr. Reginald Malicdem, Vicar General at Moderator Curiae ng Archdiocese of Manila, ang “Maria, Salamin ng Katwiran: Ang Pakiklakbay ng Mahal na Birhen sa mga Usaping Panlipunan ng Ating Bayan.”

Magkakaroon din ng concurrent sessions na maaaring pagpilian ng mga kalahok, kabilang ang “Si Maria sa Tahanan ng Nazaret – Hubog,” na pangungunahan ni Rev. Fr. Cristino Pine, OFM; “Si Maria noong Araw ng Pentecostes – Buklod,” ni Dr. Victoria N. Apuan; at “Si Maria sa Kasalan ng Cana – Lingkod,” ni Rev. Fr. Roberto Titco.

Inaanyayahan ng Archdiocese of Manila ang mga pari, communities of consecrated life, at lay faithful na makiisa sa Second Manila Archdiocesan Marian Congress bilang bahagi ng patuloy na paglalakbay ng Simbahan tungo sa mas malalim na communion, participation, at mission.

Para sa mga katanungan at karagdagang impormasyon para sa nakatakdang gawain, maaaring makipag-ugnayan sa Parish Office ng National Shrine and Parish of Our Lady of Loreto.

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 26,935 total reads

 26,935 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 175,822 total reads

 175,822 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 210,498 total reads

 210,498 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 226,501 total reads

 226,501 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 262,987 total reads

 262,987 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 271,041 total reads

 271,041 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 26,936 total reads

 26,936 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »
Scroll to Top