San Agustin Parish sa Masantol Pampanga, gumawa ng sariling flood control

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,461 total reads

Inihayag ng pamunuan ng San Agustin Parish sa Masantol, Pampanga na hindi kinaya ng kanilang pansamantalang improvised flood control ang patuloy na pagtaas ng baha sa kanilang lugar.

Ayon kay Fr. Kristian Rei Cayanan, kura paroko ng parokya, napilitang isara ang dambana sa publiko at ilipat ang mga pagdiriwang ng banal na misa sa mas mataas na lugar para sa kaligtasan ng mga mananampalataya.

Aniya, sinikap ng kanilang komunidad na gumawa ng sariling flood-control measure upang magamit ang kanilang parokya sa kanilang kapistahan noong August 28.

“We tried our best po to do our own flood control sa aming parokya, pero yun nga po, dahil temporary lang, hindi kinaya… Pero at least po kahit papaano, nakatulong na maibsan yung baha sa amin,” pahayag ng pari sa Radyo Veritas.

Apela ni Fr. Cayanan sa mga kinauukulang opisyal ng pamahalaan na hindi lamang pansamantalang solusyon ang kailangan kundi isang maayos at nakabatay sa tunay na pangangailangan na flood control masterplan, lalo na sa mga komunidad na laging nalulubog sa baha.

“Unang-una po siguro yung tingnan natin kung ano o kung saan talaga nangangailangan ng tulong… mga lugar na talagang nilulubog nang matagal para maibigay natin yung master plan o yung priorities natin sa tamang tao, sa tamang lugar,” giit ng pari.

Partikular na tinukoy ng pari ang Masantol at Macabebe, gayundin ang iba pang lugar sa Pampanga, na aniya’y dapat ding masusing pagtuunan ng pansin sa pagpaplano ng mga hakbang laban sa pagbaha.

Ibinahagi ng pari na mula pa noong unang linggo ng Agosto, nakaranas ng pagbaha sa kanilang lugar at nagtuloy-tuloy hanggang sa kasalukuyan dahil sa nagpapatuloy na ulan dala ng habagat.

Sa datos ng Office of Civil Defense (OCD) tinukoy nito ang Pampanga bilang hardest-hit na lalawigan sa masamang panahon kung saan 330 lugar sa 20 munisipalidad ang nalubog sa baha.

Samantala, matapos tuluyang magsara ang kanilang parokya noong August 29, lumikas ang pari sa mas ligtas na lugar at ipinagpatuloy ang mga Misa sa isang covered court na nasa mataas na bahagi malapit sa dike.

Sa gitna ng patuloy na pagsubok, hinikayat ni Fr. Cayanan ang mga mananampalatya at reisdenteng apektado ng baha na huwag mawalan ng pag-asa.

“Magdasal po tayo. Darating din po yung araw na liliwanag, maalis din ang baha… Makakaraos din tayo sa pagsubok na ito. Sana dasalin natin at makita natin, gawin yung tama, mabuti at dapat para sa mga tao,” saad pa ni Fr. Cayanan.

Bagamat kabilang ang pari sa biktima ng baha ay patuloy pa rin itong gumagawa ng hakbang upang matulungan ang mga residente sa lugar kabilang ang pamamahagi ng tulong.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 26,559 total reads

 26,559 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 113,065 total reads

 113,065 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 159,804 total reads

 159,804 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 207,676 total reads

 207,676 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 310,310 total reads

 310,310 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top