Bishop Santos, hinamon ang mga opisyal ng pamahalaan na sangkot sa korapsyon na harapin ang pananagutan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 33,519 total reads

Mariing hinamon ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga opisyal ng pamahalaan na sangkot sa korapsyon na harapin ang pananagutan sa halip na humanap ng paraan upang makaiwas sa batas.

Sa kaniyang pastoral reflection, binigyang-diin ni Bishop Santos na hindi sapat ang pagpapakita ng pagsisisi kung hindi tinatanggap ang proseso ng batas at ang pagsasauli ng pondong ninakaw sa bayan.

“Ang tunay na pagsisisi ay hindi paghahanap ng paraan upang makaiwas sa pananagutan. Ang tunay na pagsisisi ay ang pag-amin sa kasalanan, pagtanggap sa nararapat na proseso ng batas, pagsasauli ng ninakaw, at pagtanggap sa bunga ng sariling ginawa,” ayon kay Bishop Santos.

Binatikos ng obispo ang paggamit ng karamdaman bilang paraan upang makaiwas sa pag-aresto o pananagutan.

Aniya, bagama’t dapat gamutin at alagaan ang tunay na maysakit, hindi dapat gamitin ang pagkakasakit upang takasan ang katarungan.

“Kung ang pagkakasakit ay ginagamit lamang upang takasan ang pananagutan sa batas, hindi na ito simpleng usapin ng kalusugan. Ito ay usapin ng integridad, katarungan, at konsensya,” giit ni Bishop Santos.

Tinukoy ni Bishop Santos na ang epekto ng korapsyon ay higit pa sa pagkawala ng salapi ng pamahalaan dahil direktang naaapektuhan nito ang mga serbisyong dapat mapakinabangan ng mamamayan.

“Kapag bilyun-bilyong piso ang nawawala, hindi lamang numero ang nawawala sa accounting books. May mga batang walang maayos na paaralan. May mga may sakit na walang sapat na gamot. May mga pamilyang hindi makabangon sa kahirapan,” aniya.

Iginiit ng obispo na may konkretong mukha at biktima ang korapsyon.

“Ang korapsyon ay may mukha. May pangalan. May pamilyang nagugutom. May pasyenteng naghihintay. May batang nawawalan ng pagkakataon.”
Inilarawan naman ng obispo ang mga tiwaling opisyal bilang walang tatlong “K”—kahihiyan, konsensya at karangalan—dahil ginagamit ang pampublikong posisyon para sa pansariling pakinabang.

“Ang isang pampublikong posisyon ay hindi personal na pag-aari. Ito ay isang tiwala. Ang kapangyarihan ay ipinagkakaloob upang maglingkod, hindi upang magpayaman.”

Iginiit ng obispo na hindi nawawala ang karangalan ng isang opisyal kapag humarap ito sa pananagutan; sa halip, dito mismo nasusukat ang tunay na dangal ng isang lingkod-bayan.

Nanawagan ang obispo sa mga Pilipino na huwag masanay sa korapsyon at huwag tanggapin na bahagi na lamang ito ng sistema ng pamahalaan.

Hinikayat niya ang pagkakaroon ng mga pinunong may “Kalinisan ng puso, Katapatan sa tungkulin, at Katarungan para sa lahat.”

Binigyang-diin din ni Bishop Santos na ang pamahalaan ay hindi dapat gamitin bilang instrumento ng pagpapayaman ng mga nasa kapangyarihan kundi bilang pananagutan para sa kabutihang panlahat.

Kamakailan ay inaresto si dating House Speaker Martin Romualdez dahil sa kasong may kaugnayan sa bilyong pisong halaga ng flood control project.

Kasalukuyang naka-confine sa pagamutan si Romualdez dahil sa karamdaman nang isilbi ang kanyang arrest warrant.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 26,686 total reads

 26,686 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 113,188 total reads

 113,188 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 159,927 total reads

 159,927 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 207,799 total reads

 207,799 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 310,429 total reads

 310,429 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top