KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 256,479 total reads

Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa sektor ng mga kabataan.

Ang tumataas na bilang ng mga kabataang walang trabaho ay resulta ng bumabagsak na ekonomiya.

Sa pag-aaral ng IBON Foundation, maraming kabataan na edad 15 hanggang 24-taong gulang ang naghahanap ng trabaho pero wala silang mapapasukang trabaho. Sa datos ng Philippine Statistic Authority, pumalo na sa 18.6 percent ang youth unemployment rate, mas ito ng tatlong beses sa naunang datos na 6-percent.

Sa kabuuan, 96-porsiyento o 1.3-milyong kabataan ay walang trabaho, education o training (NEET) habang ang 2-milyong NEET youth ay labas ng labor force., sa kabuuang umaabot na sa 3.3-milyong kabataan ang walang trabaho, nagti-training at nag-aaral.

Nabatid na 36-percent ng mga walang trabaho sa Pilipinas ay binubuo ng mga kabataan.

Kapanalig, ang problema ay hindi likha ng job-skill mismatch na palaging dahilan ng pamahalaan. Ang suliranin ay likha ng mahinang structural foundation.

Naniniwala ang IBON foundation na ang kinakaharap na “youth crisis” sa Pilipinas ay hindi lamang suliranin ng higher education institutions at curriculum planners kundi problema din ng economic planners ng administrasyong Marcos.

Ang positibong datos, ang sektor ng agrikultura ang pinakamataas na employer ng mga nagtapos ng Junior high school at highschool graduate, sinundan ito ng wholesale at retail trade.

Kapanalig, sa harap ng katotohanang ito., ang katanungan ay: epekto ba ang K-12 education program ng pamahalaan?

Ano ba ang dapat tutukan ng education at economic planners ng pamahalaan? Kailangan ba niyang mamumuhunan sa sinasabing “human capital for economic competitiveness o magdevelop ng “wholesome citizenry”?

Ang mali Kapanalig, tila ang ating mga education at economic planners ay nakatuon sa pagtugon sa global labor market, lalo na ang workforce na maalam sa artificial intelligence at advance digital technologies.

Ang payo ng IBON foundation, dapat tutukan ng pamahalaan ang kapasidad ng ekonomiya kung paano i-absorb ang mga bagong graduates, hindi yung tutukan kung bagsak ba ang education system o sapat ba pamumuhunan sa re-skilling ng mga kabataan para makasabay sa mabilis na pagbabago ng teknolohiya.

Kapanalig, nakasaad sa 1987 Philippine Constitution, Article XIV, Section 2, The State shall:(1) Establish, maintain, and support a complete, adequate, and integrated system of education relevant to the needs of the people and society.

Sinasabi sa Compendium of the Social Doctrine of the Church (240)“Public authorities must see to it that public subsidies are so allocated that parents are truly free to exercise this right without incurring unjust burdens. Parents should not have to sustain, directly or indirectly, extra charges which would deny or unjustly limit the exercise of this freedom. The refusal to provide public economic support to non-public schools that need assistance and that render a service to civil society is to be considered an injustice.”

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 89,132 total reads

 89,132 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 174,542 total reads

 174,542 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 238,383 total reads

 238,383 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 319,553 total reads

 319,553 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 398,404 total reads

 398,404 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Special treatment?

 89,133 total reads

 89,133 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 174,543 total reads

 174,543 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 238,384 total reads

 238,384 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 319,554 total reads

 319,554 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »
Scroll to Top