DENR, kinalampag sa court-approved settlement agreement sa mga Marinduqueño

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,375 total reads

Nananawagan sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga environmental advocates at faith communities sa Marinduque na ilabas na ang hinihintay na DENR communication upang tuluyan nang maibigay sa mga naapektuhan ng mga insidente ng pagmimina sa lalawigan ang napagkasunduang settlement amount na approbado ng Court of Appeals na gagamitin din para sa rehabilitation.

Sa panayam sa programang Barangay Simbayanan, sinabi ni Rev. Fr. Arvin Anthony Madla, Chairperson ng Marinduque Council for Environmental Concerns (MACEC), na ang usapin ay kaugnay ng matagal nang Writ of Kalikasan case na isinampa ng mga Marinduqueño at nauwi sa isang court-approved settlement agreement.

Sa ilalim ng settlement na inaprubahan ng Court of Appeals, nakatakdang magbayad ang Barrick Mining Corporation ng US$100 million sa Provincial Government of Marinduque sa loob ng tatlong taon, matapos matugunan ang mga itinakdang kondisyon, kabilang ang ilang kumpirmasyon mula sa DENR.

Ayon kay Fr. Madla, ang tinatawag na DENR Communication ang isa sa mga natitirang requirement bago maisakatuparan ang nasabing settlement.

“At ang isa sa nagiging hadlang na lamang para maging successful o maibigay ‘yong talagang amount na napanalunan ng settlement agreement na ito ay ‘yong tinatawag po nating requirement mula sa DENR na ang tawag nila ay DENR communication.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Madla sa Radyo Veritas.

Binigyang-diin ni Fr. Madla na matagal nang hinihintay ng mga Marinduqueño ang rehabilitasyon ng mga nasirang lugar at kabuhayan.

“Marinduqueños have been waiting for three decades, tatlumpung taon, para po magkaroon ng rehabilitasyon sa amin ‘yong mga nasirang lugar, nasirang komunidad, nasirang pamumuhay para po magkaroon ng proper rehabilitation dito sa bagay pong ito.” Dagdag pa ni Fr. Madla.

Nitong Setyembre 28, 2026 nagsagawa ng prayer rally ang Diocese of Boac sa Marinduque Provincial Capitol kasama ang mga environmental advocates, civil society groups at mga faith communities, upang manawagan para sa pagpapalabas ng DENR Communication bago ang itinakdang deadline sa Oktubre 4, 2026.

Ipinaliwanag din ni Fr. Madla na mahalagang malinaw sa naturang komunikasyon na ang settlement ay may kaugnayan sa pananagutan at claims laban sa Barrick, habang hindi nito inaalis ang hiwalay na pananagutan at obligasyon ng Marcopper Mining Corporation.

“Ang atin lang pong hinihiling na mai-state ng DENR ay inaalis na ‘yong mga pananagutan at mga magiging future cases against Barrick Gold dahil sila po ay nakipag-settle na sa atin. Pero ‘yong mga pananagutan, obligasyon, at mga kinakailangan pang gawin ng Marcopper Mining Corporation ay hindi po kasama dito.” Ayon pa kay Fr. Madla.

Samantala, iniulat din ng Provincial Government noong Agosto na kailangan ang technical guidance ng DENR upang matukoy kung sapat ang settlement para sa kinakailangang rehabilitation o remediation sa Marinduque.

Sa bahagi ng Simbahan, una ng nanindigan ang Diocese of Boac na ang usapin ng rehabilitasyon ng Marinduque ay hindi lamang tungkol sa pondong ilalaan sa pagkukumpuni ng nasirang kapaligiran, kundi tungkol din sa integral ecology na pagkilala sa ugnayan ng pangangalaga sa kalikasan at kapakanan ng mga komunidad na umaasa rito.

Sa panawagan ng Diocese of Boac, ang panalangin para sa kapaligiran ay kalakip ng mapayapang pagkilos upang matiyak na ang matagal nang hinihintay na rehabilitasyon ay maisakatuparan.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 2,691 total reads

 2,691 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 118,269 total reads

 118,269 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 158,833 total reads

 158,833 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 179,316 total reads

 179,316 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 227,583 total reads

 227,583 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 244,944 total reads

 244,944 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 2,692 total reads

 2,692 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top