Huwag sukatin ang tagumpay at impluwensiya, Cardinal Advincula sa mga deboto ng St.Therese of the Child Jesus

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 50,030 total reads

Hinimok ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga deboto ni Sta. Teresita ng Batang Hesus na tahakin ang landas ng kababaang-loob at pagtitiwala sa Diyos, sa halip na sukatin ang kanilang halaga batay sa tagumpay, impluwensya, at mga nagagawa sa buhay.

Sa kanyang homiliya sa kapistahan ni Sta. Teresita sa Shrine of St. Therese of the Child Jesus sa Pasay City, binigyang-diin ng kardinal ang tinatawag na “little way” bilang isang mahalagang aral sa paghahangad ng kabanalan.

“This is the paradox of Christian holiness: to become holy, one must not strive to become great but to become little. To become little is not to become less. To become little before God is to become capable of receiving everything from God,” ayon kay Cardinal Advincula.

Paliwanag ng kardinal na sa halip na gumawa ng mga natatanging bagay, namuhay si Sta. Teresita nang payak sa loob ng kumbento, kung saan natuklasan niya na maging ang mga ordinaryong gawain ay maaaring maging pagpapahayag ng pag-ibig sa Diyos.

Binigyang-diin din ni Cardinal Advincula na ang pag-ibig ang pinakapuso ng bawat bokasyon sa Simbahan.

Aniya, may mga tinatawag na maging “utak,” “kamay,” at “paa” ng Simbahan bilang mga guro, tagapaglingkod sa mahihirap at may sakit, at mga tagapaghatid ng Ebanghelyo, ngunit mananatiling walang kabuluhan ang bokasyon kung walang pag-ibig at hindi nakaugat kay Kristo.

“But Thérèse reminds us that regardless of whatever part we are called to play in the Body of Christ, we are all called to love. Without love, the brain cannot teach as Christ teaches, the hands cannot serve as Christ would serve, the feet cannot go where Christ sends them. Every vocation would be useless,” giit ng kardinal.

Samantala, ibinahagi naman ni Military Bishop Oscar Jaime Florencio na hiniling ng pamayanan ng Shrine of St. Therese sa pangunguna ng kanilang rektor na si Msgr. Gilbert Sones na itaas bilang minor basilica ang dambana.

Bilang ang dambana ay bahagi ng Military Ordinariate of the Philippines, sinusuportahan ni Bishop Florencio ang kahilingan, bagama’t batid niya ang mahabang proseso.

“Nagre-request sila for elevating this to a minor basilica. After that, ako ay gagawa ng sulat din in order for me to process. I will have to petition the conference [Catholic Bishops’ Conference of the Philippines],” pahayag ni Bishop Florencio sa Radyo Veritas.

Kabilang sa mga paghahanda ng dambana para sa aplikasyon ng pagiging basilica ang pagbuo ng mga istruktura at komite, konsultasyon at pakikipag-ugnayan sa mga umiiral nang minor basilica sa bansa, at mga formation program para sa liturhiya at iba pang aspeto ng proseso.

Ayon pa kay Bishop Florencio, ang aplikasyon ng dambana sa pagiging basilica ay magiging bagong yugto sa debosyon ni St. Therese na kilala sa kanyang ‘little way’.
Ang shrine ay matagal nang sentro ng debosyon kay Sta. Teresita kung saan itinalaga itong diocesan shrine ng Military Ordinariate noong 2007.

Samantala, muling hinikayat ni Cardinal Advincula ang mga mananampalataya na huwag hangarin ang kadakilaan ayon sa pamantayan ng mundo, kundi dapat nakatuon sa Diyos isabuhay ang misyon sa pang araw-araw na pamumuhay.

“You do not have to be great in the eyes of the world. You only have to be little in the eyes of God, to trust in Him completely, and allow him to love you,” aniya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 21,929 total reads

 21,929 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 103,072 total reads

 103,072 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 136,521 total reads

 136,521 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 171,819 total reads

 171,819 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 397,616 total reads

 397,616 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top