DENR, kinalampag sa court-approved settlement agreement sa mga Marinduqueño

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 44,058 total reads

Nananawagan sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga environmental advocates at faith communities sa Marinduque na ilabas na ang hinihintay na DENR communication upang tuluyan nang maibigay sa mga naapektuhan ng mga insidente ng pagmimina sa lalawigan ang napagkasunduang settlement amount na approbado ng Court of Appeals na gagamitin din para sa rehabilitation.

Sa panayam sa programang Barangay Simbayanan, sinabi ni Rev. Fr. Arvin Anthony Madla, Chairperson ng Marinduque Council for Environmental Concerns (MACEC), na ang usapin ay kaugnay ng matagal nang Writ of Kalikasan case na isinampa ng mga Marinduqueño at nauwi sa isang court-approved settlement agreement.

Sa ilalim ng settlement na inaprubahan ng Court of Appeals, nakatakdang magbayad ang Barrick Mining Corporation ng US$100 million sa Provincial Government of Marinduque sa loob ng tatlong taon, matapos matugunan ang mga itinakdang kondisyon, kabilang ang ilang kumpirmasyon mula sa DENR.

Ayon kay Fr. Madla, ang tinatawag na DENR Communication ang isa sa mga natitirang requirement bago maisakatuparan ang nasabing settlement.

“At ang isa sa nagiging hadlang na lamang para maging successful o maibigay ‘yong talagang amount na napanalunan ng settlement agreement na ito ay ‘yong tinatawag po nating requirement mula sa DENR na ang tawag nila ay DENR communication.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Madla sa Radyo Veritas.

Binigyang-diin ni Fr. Madla na matagal nang hinihintay ng mga Marinduqueño ang rehabilitasyon ng mga nasirang lugar at kabuhayan.

“Marinduqueños have been waiting for three decades, tatlumpung taon, para po magkaroon ng rehabilitasyon sa amin ‘yong mga nasirang lugar, nasirang komunidad, nasirang pamumuhay para po magkaroon ng proper rehabilitation dito sa bagay pong ito.” Dagdag pa ni Fr. Madla.

Nitong Setyembre 28, 2026 nagsagawa ng prayer rally ang Diocese of Boac sa Marinduque Provincial Capitol kasama ang mga environmental advocates, civil society groups at mga faith communities, upang manawagan para sa pagpapalabas ng DENR Communication bago ang itinakdang deadline sa Oktubre 4, 2026.

Ipinaliwanag din ni Fr. Madla na mahalagang malinaw sa naturang komunikasyon na ang settlement ay may kaugnayan sa pananagutan at claims laban sa Barrick, habang hindi nito inaalis ang hiwalay na pananagutan at obligasyon ng Marcopper Mining Corporation.

“Ang atin lang pong hinihiling na mai-state ng DENR ay inaalis na ‘yong mga pananagutan at mga magiging future cases against Barrick Gold dahil sila po ay nakipag-settle na sa atin. Pero ‘yong mga pananagutan, obligasyon, at mga kinakailangan pang gawin ng Marcopper Mining Corporation ay hindi po kasama dito.” Ayon pa kay Fr. Madla.

Samantala, iniulat din ng Provincial Government noong Agosto na kailangan ang technical guidance ng DENR upang matukoy kung sapat ang settlement para sa kinakailangang rehabilitation o remediation sa Marinduque.

Sa bahagi ng Simbahan, una ng nanindigan ang Diocese of Boac na ang usapin ng rehabilitasyon ng Marinduque ay hindi lamang tungkol sa pondong ilalaan sa pagkukumpuni ng nasirang kapaligiran, kundi tungkol din sa integral ecology na pagkilala sa ugnayan ng pangangalaga sa kalikasan at kapakanan ng mga komunidad na umaasa rito.

Sa panawagan ng Diocese of Boac, ang panalangin para sa kapaligiran ay kalakip ng mapayapang pagkilos upang matiyak na ang matagal nang hinihintay na rehabilitasyon ay maisakatuparan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 19,636 total reads

 19,636 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 100,892 total reads

 100,892 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 134,341 total reads

 134,341 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 169,639 total reads

 169,639 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 395,532 total reads

 395,532 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top