Huwag maniwala sa hindi opisyal na pahayag ng ICC, babala ng iDEFEND sa mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,159 total reads

Hinikayat ni In Defense of Human Rights and Dignity Movement (iDEFEND) spokesperson Atty. Gian Miko Arabejo ang publiko na umasa lamang sa opisyal na mga impormasyon ng International Criminal Court (ICC) sa gitna ng pagkalat ng mga pekeng balita kaugnay ng kaso laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, binigyang diin ni Arabejo na mahalagang direktang tingnan ang mga opisyal na desisyon, order at public issuances ng ICC upang matukoy kung alin ang totoong impormasyon kaugnay sa kaso ng dating pangulo.

“Marami po kasing mga fake news nga po, ‘no na to the point na mahirap paniwalaan or mag-discern alin ba dito ‘yung totoo, ano ‘yung tama. So para sa akin, ang guideline ko dito, mag-rely tayo sa mga official news outlets at, mas lalo na when in doubt, sa official statements, orders, and public issuances ng ICC mismo.” Bahagi ng pahayag ni Arabejo sa Radyo Veritas.

Una ng kinumpirma ng ICC na nakatakdang magsimula ang paglilitis kay dating Pangulong Duterte sa Nobyembre 30, 2026, matapos kumpirmahin noong Abril 2026 ang tatlong bilang ng crimes against humanity at iakyat ang kaso sa Trial Chamber.

Pagbabahagi ni Arabejo ang mga nagaganap bago ang trial ay bahagi ng paghahanda ng korte, kung saan tinatalakay ang mga isyung may kaugnayan sa ebidensya, mga saksi at iba pang proseso ng paglilitis.

Samantala, isa sa mga binigyang-diin ni Arabejo ay ang malaking papel ng mga biktima sa proseso ng ICC.

Ipinaliwanag ni Arabejo, hindi tulad ng karaniwang criminal proceedings sa Pilipinas na pangunahing nakasentro sa prosecution at defense, may hiwalay na legal representation ang mga biktima sa ICC.

“Sa ICC, iba, tatlo ang panig. Merong prosecution, may defense, and may victims. So, hiniwalay ‘yung victims sa prosecution. So, ang prosecution, ang trabaho lang talaga n’ya, patunayan ‘yung krimen. Ang trabaho nung defense, patunayan na hindi guilty ‘yung akusado. At ang trabaho ng victims—’yung victims may sarili siyang legal team.” Dagdag pa ni Arabejo.

Ayon sa ICC, ang mga biktima ay maaaring magpahayag ng kanilang mga pananaw at concerns sa pamamagitan ng kanilang common legal representatives, kung saan maaari rin silang humiling ng reparations sakaling magkaroon ng conviction at umabot sa reparations stage ang kaso.

Sa kasalukuyang kaso, sinabi ng ICC na 539 na biktima ang pinahintulutang lumahok sa pre-trial proceedings at awtomatikong magpapatuloy ang kanilang participation sa trial, habang patuloy ring tumatanggap ang Victims Participation and Reparations Section (VPRS) ng mga aplikasyon para sa participation at reparations.

Ipinaliwanag ni Arabejo na ang civil society organizations tulad ng iDEFEND ay nakikipag-ugnayan sa mga biktima upang matulungan silang maunawaan at makilahok sa proseso ng paglilitis.
“So, ako po, lawyer po ako and spokesperson ng iDefend, and iDefend is one of the organizations coordinating and organizing some of the victims.” Ayon pa kay Arabejo.

Ibinahagi ni Arabejo na maaaring maging mahaba ang paglilitis dahil sa dami ng ebidensya at mga posibleng testigo.

Ayon kay Arabejo, bagama’t walang tiyak na tagal na itinakda para sa buong trial, sinabi niyang maaaring umabot ito nang higit sa tatlong taon batay sa kanyang pagtataya at sa lawak ng mga ihaharap na ebidensya laban kay dating Pangulong Duterte.

“I think to manage expectations, we can expect it to last more than three years, longer than three years.” Ani Arabejo.

Binigyang-diin ng iDEFEND na mahalagang maunawaan ng publiko ang aktuwal na proseso ng ICC at iwasang umasa sa mga impormasyong hindi nagmumula sa opisyal na dokumento ng korte.

Sa bahagi ng Simbahana, ang paghahanap ng katotohanan at katarungan ay mahalagang bahagi ng pagtatanggol sa dignidad ng bawat tao, lalo na ng mga biktima ng karahasan at paglabag sa karapatang pantao, kung saan naniniwala rin ang Simbahan na mahalagang igalang ang due process at karapatan ng bawat nasasakdal habang isinasagawa ang paglilitis

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 66,091 total reads

 66,090 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 106,649 total reads

 106,649 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 130,880 total reads

 130,879 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 179,147 total reads

 179,147 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 198,667 total reads

 198,667 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 21,874 total reads

 21,874 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

Mga Pari, mensahero ni kristo

 13,893 total reads

 13,893 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »
Scroll to Top