Cardinal Tagle, pangungunahan ang misa sa kapistahan ni Saint Carlo Acutis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 42,754 total reads

Pangungunahan ni Cardinal Luis Antonio Tagle, Pro-Prefect ng Dicastery for Evangelization, ang banal na misa sa Diocese of Assisi sa Italy sa October 11,2026.

Ito ay bahagi ng apat na araw na pagdiriwang para sa kapistahan ni Saint Carlo Acutis at ika-20 anibersaryo ng kanyang pagpanaw noong October 12, 2006.

Ibinahagi ng Diocese of Assisi pagdiriwang ng banal na misa, mga patotoo, Eucharistic adoration at mga pagninilay sa buhay at pananampalataya ng Santo.

Matapos ang Eucharistic celebration ni Cardinal Tagle, susundan ito ng liturgical memorial ng batang santo.

Si St. Carlo Acutis ay kinikilala bilang huwaran ng kabataang namuhay nang malalim ang debosyon sa Eukaristiya habang ginagamit ang makabagong teknolohiya na kasangkapan sa kaalaman at pagpapalaganap ng pananampalataya.

Ibinahagi ng Diocese of Assisi na 1.7 million pilgrims na ang bumisita sa shrine mula July 2025, kasabay ng Jubilee of Youth.

Ikinagalak ng Diocese of Assisi na bagama’t kabilang sa pagdagsa ng mga peregrino ang pagdiriwang para sa Franciscan centenary at ang pagpapakita ng katawan ni Saint Carlo noong February at March 2026 ay patuloy na makikita ang malawak na interes ng mga deboto sa batang Santo.

Naniniwala ang Diyosesis na ang batang Santo ay malaking inspirasyon sa isang henerasyong naghahanap ng paraan upang isabuhay ang pananampalataya sa makabagong mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 22,466 total reads

 22,466 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 59,091 total reads

 59,091 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 285,361 total reads

 285,361 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 178,828 total reads

 178,828 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 271,655 total reads

 271,655 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top