Patas na imbestigasyon sa death threats at harassment sa mga human rights defender, panawagan ng CWS

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 40,478 total reads

Nanawagan si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, Chairperson ng Church People-Workers Solidarity (CWS), sa agarang imbestigasyon at proteksyon sa mga human rights lawyers, development workers at peasant communities sa Negros Occidental.

Ginawa ni Bishop Alminaza napaulat na death threat laban kay Atty. Rey Gorgonio, Chairperson ng National Union of Peoples’ Lawyers-Negros Chapter, at iba pang insidenteng iniuugnay sa harassment at intimidation sa mga advocacy workers.

Ayon sa CWS, natanggap noong January 25, 2026 ang death threat laban kay Gorgonio habang nagsasagawa ang NUPL-Negros ng public forum sa Candoni tungkol sa Writ of Kalikasan at pagtatanggol ng mga magsasaka sa kanilang lupain laban sa malawakang palm oil plantation operations.

Ang death threat ay natanggap ni Joselito Macapobre, development worker ng Paghidaet sa Kauswagan Development Group (PDG), na tumutulong sa mga apektadong komunidad, at naglalaman ng banta laban kay Gorgonio gayundin kay Macapobre.

Iniulat din ng CWS ang umano’y drone surveillance malapit sa tahanan ni Macapobre, pati ang iba pang insidenteng sinasabing bahagi ng mas malawak na pattern ng harassment laban sa mga tumutulong sa mga magsasakang kumokontra sa operasyon ng Hacienda Asia Plantation Inc. (HAPI) sa Negros Occidental.

Kabilang dito ang iniulat na tangkang pagdukot kay Macapobre noong Enero 18 sa Barangay Caningay, Candoni, at umano’y pananakot kay Analyn Merano, miyembro ng PDG, noong Enero 16 hanggang 17.

““As servants of the Gospel, we are called to stand with those who hunger and thirst for justice. Atty. Gorgonio’s legal service to small farmers, peasants, political prisoners, and marginalized communities is a courageous ministry in defense of human dignity, the rights of the poor, and the integrity of creation. This includes his work with communities opposing large-scale plantation operations, including palm oil expansion in Candoni. An attack on a human rights defender also threatens the pastoral mission to serve the poor. We cannot remain silent when lawyers and development workers who assist marginalized communities face threats, intimidation, or the risk of abduction and violence,” ayoin sa mensahe ni Bishop Alminaza na pinadala ng CWS sa Radyo Veritas.

Kasama rin sa mga iniulat ng CWS ang alegasyon ng red-tagging, surveillance, pinaigting na military operations sa ilalim ng Retooled Community Support Program at terrorism-financing charges laban sa ilang miyembro ng PDG.

Para kay Bishop Alminaza, hindi lamang usapin ng seguridad ng mga indibidwal ang pagprotekta sa mga abogado at development workers na naglilingkod sa mga mahihina at marginalized communities kundi ang kakayahan ng mga komunidad na humingi ng pananagutan sa mga isyung nakakaapekto sa kanilang kabuhayan,

Dahil dito, nanawagan ang CWS ng agarang, independiyente at masusing imbestigasyon sa death threat laban kay Gorgonio, tangkang pagdukot kay Macapobre at iba pang alegasyon ng harassment, gayundin ng safety guarantees para sa mga human rights defenders, development workers at peasant communities sa Negros.

Hiniling din ng grupo ang pananagutan sa sinumang mapatutunayang responsable, kabilang ang sinumang state personnel o opisyal na mapatutunayang sangkot.

Sa mas malawak na pambansang konteksto, iginiit ng CWS na ang anumang banta laban sa mga nagtatanggol sa karapatang pantao ay dapat seryosong tugunan, dahil may implikasyon ito sa kalayaan ng legal advocacy, community organizing at access ng mga mamamayan sa hustisya.

Ang paninindigang ito ay nakaayon sa diwa ng Rerum Novarum ni Pope Leo XIII tungkol sa pagtatanggol sa dignidad at karapatan ng mga mahihina at manggagawa, gayundin sa Fratelli Tutti ni Pope Francis na nagbibigay-diin sa pagkakapatiran, pagtanggi sa karahasan at pagtataguyod ng kapayapaang nakabatay sa katarungan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 20,675 total reads

 20,675 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 101,884 total reads

 101,884 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 135,333 total reads

 135,333 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 170,631 total reads

 170,631 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 396,483 total reads

 396,483 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top