Dehonian Philippine Region, hinimok ang patuloy na pagsisilbi sa komunidad na dumaranas ng karahasan at pagdurusa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,457 total reads

Hinamon ni Fr. Nino Etulle, SCJ, superior ng Dehonian Philippine Region, ang mga kapwa Dehonian na manatiling malapit sa mga komunidad na nakararanas ng pagdurusa, karahasan at hidwaan.

Ito ang pahayag ng pari kasunod ng beatification ng martir na Dehonian na si Blessed Martino Capelli, SCJ, nitong September 27, na ginanap sa Basilica of San Petronio sa Bologna, Italy.

Sinabi ni Fr. Etulle na ang mga halimbawa ni Blessed Martino ay patuloy na nagbibigay ng hamon sa mga Dehonian na harapin ang mahihirap na realidad ng kanilang mga mission area, sa halip na piliin ang kaginhawaan at pagtanggap ng lipunan.

Aniya, mahalaga ang “ministry of presence” o ang pananatiling kasama ng mga higit na nangangailangan, kabilang ang mga biktima ng karahasan at mga taong naapektuhan ng digmaan at hidwaan.

“Fr. Martino teaches us that the best mission is the one right in front of us, no matter how disruptive or dangerous,” pahayag ni Fr. Etulle sa Radyo Veritas.
Ayon kay Fr. Etulle, makikita ang ganitong diwa sa paglilingkod ng mga Dehonian sa Pilipinas, partikular sa mga mission area sa Southern Philippines, kung saan patuloy nilang sinasamahan ang mga komunidad sa pamamagitan ng kanilang pastoral at social mission.

Nanindigan si Fr. Etulle na ang presensya ng mga Dehonian sa mga lugar na nakararanas ng mga hamon ay bahagi ng kanilang bokasyon na maging malapit sa mga taong higit na nangangailangan ng pagkalinga at pag-asa.

“For a Dehonian, reparation is not just a devotional practice; it is an active effort to heal a broken world,” dagdag pa ni Fr. Etulle.
Samantala, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagpapatawad na ipinakita ni Blessed Martino bago siya pinaslang noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Iginiit ni Fr. Etulle na nananatiling makabuluhan ang pagpapatawad ni Blessed Martino sa kasalukuyang panahon, lalo na sa gitna ng pagkakahati at pagkakawatak-watak sa lipunan.

“In a highly polarized society driven by resentment, the greatest challenge today is providing transformative, radical forgiveness and love where it is least expected,” saad pa ni Fr. Etulle.

Sinabi ni Fr. Etulle na ang beatification ni Blessed Martino ay hindi lamang pagkilala sa katapatan ng isang martir noong panahon ng digmaan, kundi isang paanyaya sa mga Dehonian sa kasalukuyan na harapin ang mga bagong anyo ng pagdurusa at maging presensya ng pagmamahal at pagkakasundo.

Sa pamamagitan ng kanilang Ecce Venio, hinimok ang Dehonian Family na patuloy na maging handang magmahal, maghilom, at maglingkod sa lahat ng pagkakataon, ayon sa pagtawag ng misyon ng Panginoon.

Kasama ni Blessed Martino sa beatification sina Fr. Ubaldo Marchioni at Fr. Elia Comini, SDB, na kapwa nag-alay ng kanilang buhay sa panahon ng Nazi massacre noong 1944.

Dinaluhan ng 2,500 mananampalataya, kasama na ang mga obispo at pari ng Dehonian at Salesian, ang beatification na pinangunahan ni Cardinal Marcello Semeraro, ang Prefect ng Dicastery for the Causes of Saints.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 50,582 total reads

 50,582 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 147,330 total reads

 147,330 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 191,599 total reads

 191,599 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 214,708 total reads

 214,708 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 287,618 total reads

 287,618 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top