Mananampalataya, hinimok na ipagdasal ang kaligtasan laban sa banta ng karahasan at el nino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,517 total reads

Hinimok ni Cebu Archbishop Alberto Uy ang mga mananampalataya na magdasal ng Santo Rosaryo araw-araw lalo ngayong Oktubre, kung saan itinalaga ng Simbahang Katolika bilang ‘Holy Rosary Month’.

Hiling ng arsobispo ang pagdarasal sa natatanging intensyong mawakasan ang mga karahasan sa mundo at proteksiyon ng mga mamamayan laban sa panganib at masasamang epekto ng Super El Niño.

“This October, I ask everyone to pray the Rosary daily for two special intentions: for an end to wars, violence, and conflicts throughout the world, and for the protection of our people from the dangers and harmful effects of Super El Niño,” paanyaya ni Arcbishop Uy.

Hinikayat ng arsobispo ang mga parokya, paaralan, pamilya, gayundin ang mga Basic Ecclesial Communities na sama-samang manalangin ng rosaryo.

“Pray it personally. Pray as a family. Pray it with friends. And I encourage our parishes, schools, and Basic Ecclesial Communities to gather and pray the Rosary together,” pahayag ng arsobispo

Binigyang-diin ni Archbishop Uy na hindi dapat manatili sa panalangin lamang ang pagtugon sa mga suliraning kinakaharap ng mga mamamayan, lalo na sa epekto ng Super El Niño, kundi dapat itong sundan ng konkretong pagkilos.

“And as we pray for protection, let our prayer lead us to action—especially by conserving water, caring for creation, and helping those who may be most affected,” giit ng arsobispo.

Batay sa pagtataya ng mga eksperto, inaasahang mararanasan sa huling bahagi ng 2026 at sa mga unang bahagi ng susunod na taon ang matinding tagtuyot, habang patuloy namang nararanasan sa iba’t ibang dako ng mundo, partikular sa Middle East, ang mga digmaan.

Itinalaga ang buwan ng Oktubre para sa Santo Rosaryo bilang pagpaparangal sa Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo na ginugunita ang kapistahan tuwing October 7.

Itinatag ni Pope St. Pius V ang kapistahan noong 1571 upang ipagdiwang ang itinuring na ‘miraculous victory’ ng mga Kristiyano sa nangyaring Battle of Lepanto noong October 7, 1570.

Sa bawat misteryo ng Santo Rosaryo ay nagsasalaysay at nagninilay sa buhay ng Panginoong Hesukristo, kasama ang Mahal na Birhen sa pananalangin.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 19,244 total reads

 19,244 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 100,516 total reads

 100,516 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 133,966 total reads

 133,966 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 169,264 total reads

 169,264 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 395,163 total reads

 395,163 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top