Caritas Philippines, nagpahayag ng suporta sa Dapat Isa Lang People’s Initiative

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 807 total reads

Nagpahayag ng buong suporta ang Caritas Philippines sa Dapat Isa Lang People’s Initiative na naglalayong wakasan ang political dynasties sa bansa.

Sa pahayag na inilabas noong Setyembre 30, 2026 sa Urdaneta City, ipinahayag ni Caritas Philippines President, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang suporta at pakikiisa sa panawagan ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President, Lipa Archbishop Gilbert Garcera sa pastoral statement na inilabas ng CBCP noong Setyembre 25, 2026 para sa pagpapatupad ng isang “genuine, meaningful, and effective” Anti-Political Dynasty Law, kasabay ng pagsuporta sa Dapat Isa Lang People’s Initiative bilang isang mapayapa, legal at demokratikong hakbang ng mga mamamayan.

“In the name of Archbishop Gilbert Garcera, President of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines and Archbishop of Lipa, and in my capacity as President of Caritas Philippines, together with Fr. Tito Caluag, Executive Director of Caritas Philippines, I declare our full support for the Dapat Isa Lang People’s Initiative to end political dynasties.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Alminza.

Ginawa ni Bishop Alminza ang pahayag sa Panpacific University Events Center sa Urdaneta City, kung saan naroon din ang mga kinatawan ng 13 archdioceses, dioceses at apostolic vicariates na kabilang sa Northern Luzon Social Action Network.

Ayon sa Caritas Philippines, ang People’s Initiative ay nakaugat sa panawagan para sa pakikilahok ng mamamayan at sa pananampalataya at malasakit sa bayan at sa common home.

“This People’s Initiative is an expression of people power, inspired by our faith in God and our concern for our country and our common home.” Dagdag pa ni Bishop Alminaza.

Samantala hinikayat din ni Bishop Alminaza ang mga Pilipino na magkaisa sa usapin ng pagpapalawig sa usapin ng pamamahala at pananagutan sa pamahalaan.

“Mga mahal kong kapatid, kapwa Pilipino: magkaisa tayo. Dapat Isa Lang!” Ayon pa kay Bishop Alminaza.

Ang pahayag ng Caritas Philippines ay bahagi rin ng patuloy na pakikilahok ng social action network ng Simbahan sa mga usaping may kaugnayan sa pamamahala, pananagutan at kapakanan ng sambayanan.

Sa bahagi ng Church social teaching, ang pakikilahok ng mga mamamayan sa buhay pampubliko ay bahagi ng pagtataguyod ng common good, katarungan at responsableng pamamahala, habang ang mga usaping pampulitika ay dapat isulong sa paraang gumagalang sa dignidad ng bawat tao at sa mga institusyong demokratiko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 87,540 total reads

 87,540 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 119,270 total reads

 119,270 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 221,095 total reads

 221,095 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 261,655 total reads

 261,655 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 278,455 total reads

 278,455 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 55,626 total reads

 55,626 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top