Pope Leo, pangungunahan ang panalangin para sa kapayapaan sa Assisi

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 980 total reads

Pangungunahan ni Pope Leo XIV ang panalangin para sa kapayapaan sa Assisi, Italy sa Oktubre 27, bilang bahagi ng paggunita sa ika-40 anibersaryo ng makasaysayang interreligious prayer meeting na sinimulan ni Saint John Paul II.

Noong Oktubre 27, 1986, unang nagtipon sa Assisi ang mga lider ng iba’t ibang relihiyon upang sama-samang manalangin para sa kapayapaan.

Mula noon, naging inspirasyon ito sa taunang pagtitipon ng Community of Sant’Egidio para isulong ang diyalogo at pagkakaisa ng iba’t ibang relihiyon.

Ngayong taon, dadalo si Pope Leo sa huling araw ng tatlong araw na pagtitipon mula Oktubre 25 hanggang 27.

Tinatayang may 384 na kinatawan mula sa 53 bansa ang inaasahang lalahok sa iba’t ibang talakayan tungkol sa kapayapaan, digmaan, migration, disarmament, kabataan, media at kalagayan ng mga mahihirap.

Makakasama rin ni Pope Leo sa natatanging panalangin para sa kapayapaan si Ecumenical Patriarch Bartholomew.

Tema ng pagtitipon ang “Disarmed and Disarming Peace,” na nagbibigay-diin sa posibilidad ng kapayapaan sa gitna ng mga digmaan at tunggalian sa mundo.

Sa pagtatapos ng pagtitipon, inaasahang maghahatid si Pope Leo ng mensahe ng kapayapaan mula sa Basilica of Saint Francis sa Assisi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 167,651 total reads

 167,651 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 199,379 total reads

 199,379 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 301,205 total reads

 301,205 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 341,762 total reads

 341,762 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 355,420 total reads

 355,420 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top