Gawing sandigan ang panalangin, panawagan ni Bishop Mallari sa mga kabataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,253 total reads

Hinimok ni Tarlac Bishop Roberto Mallari ang mga kabataan na manatiling matatag sa pananampalataya at gawing sandigan ang panalangin, lalo na sa harap ng mga hamon sa mundo.

Ito ang bahagi ng homiliya ng Obispo para sa One Million Children Praying the Rosary na isinagawa sa Diyosesis ng Tarlac ngayong October 7, 2026 kapistahan ng Mahal na Birhen ng Santo Rosario.

Binigyang-diin ni Bishop Mallari ang kahalagahan ng sama-samang pananalangin ng mga bata bilang pagpapakita ng pagtitiwala at pagmamahal kay Maria at sa kanyang Anak na si Hesukristo.

Inugnay din ng Obispo ang panalangin ng mga apostol kasama si Maria matapos ang muling pagkabuhay ni Jesus sa paanyaya sa mga mananampalataya na manatiling nakasandig sa Diyos sa kabila ng takot, pagdududa at mga pagsubok.

Ayon kay Bishop Mallari, ipinakikita rin ni Maria ang halimbawa ng pusong bukas sa plano ng Diyos at ng buong pagtitiwala sa Kanyang kalooban.

“Gaya ni Maria ay tinatawag na maging bukas sa plano ng Diyos sa ating buhay. Kahit mahirap intindihin ang mga pangyayari, mahalaga na maintindihan natin na ang Diyos ay may panawagan sa bawat isa sa inyo.” Bahagi ng pagninilay ni Bishop Mallari.

Sa harap ng mga digmaan, suliranin at iba pang hamon sa mundo, hinikayat ni Bishop Mallari ang mga bata na huwag hayaang manaig ang takot, kundi manatiling kumakapit sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin at Rosaryo.

Ayon sa Obispo, ipinagkakaloob ng Banal na Espiritu ang lakas, gabay, tiwala at kapayapaan sa mga patuloy na nananalangin.

“Sa bawat pagkakataon na tayo ay nananalangin at lumalapit sa pananalangin at sa Rosaryo, nakatatanggap tayo ng lakas mula sa Banal na Espiritu. Siya ang nagbibigay ng gabay, tiwala at kapayapaan.” Dagdag pa ni Bishop Mallari.

Ipinaalala rin ng Obispo sa mga kabataan na ang kanilang pananampalataya ay maaaring maging liwanag para sa iba, lalo na sa gitna ng mga suliraning nararanasan sa pamilya, pakikipagkaibigan at lipunan.

“Mga kabataan, ang mundo ngayon ay puno ng hamon. Mga suliranin sa pamilya, kaibigan, at minsan sa lipunan. Sa pagdarasal at sa Rosaryo, napapalalim natin ang ating ugnayan sa Diyos at nakakamtan ang lakas upang malampasan ang lahat ng hamon at pagsubok na ating pinagdadaanan.” Ayon pa kay Bishop Mallari.

Hinikayat din niya ang mga bata na tularan si Maria sa pagiging matatag sa pananampalataya at maging saksi ng pag-asa sa kanilang kapwa.

“Sa kasalukuyan ng inyong buhay, gamitin ninyo ang inyong lakas upang maging liwanag sa mga madidilim na bahagi ng mundo. Kaya ni Maria, maging halimbawa kayo ng matibay na pananampalataya.” Ani Bishop Mallari.

Nagpasalamat naman si Bishop Mallari sa Aid to the Church in Need (ACN) sa pagsusulong at pangunguna sa makabuluhang worldwide prayer campaign at sa pakikiisa ng iba’t ibang diyosesis sa buong mundo.

Sa pagtatapos ng kanyang homiliya, nanalangin ang Obispo para sa patuloy na paggabay ng Mahal na Birheng Maria at ng Banal na Espiritu upang maging matapang na tagasunod ni Hesus ang mga kabataan.

“Tulungan mo kami na walang imposible sa Diyos. Sa iyong tulong, sa iyong pag-aaruga, nawa’y maging matapang kami sa pagharap sa mga hamon at maging mga ilaw ng pag-asa para sa aming kapwa.” Panalangin ni Bishop Mallari.

Sa pamamagitan ng One Million Children Praying the Rosary, muling ipinapaalala sa mga bata na ang simpleng panalangin ng Rosaryo ay hindi lamang isang debosyon kay Maria, kundi isang paraan upang higit na mapalapit kay Hesus at maging mga saksi ng pananampalataya, pag-asa at kapayapaan sa mundo.

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 5,621 total reads

 5,621 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 182,197 total reads

 182,197 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 213,928 total reads

 213,928 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 315,751 total reads

 315,751 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 356,309 total reads

 356,309 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 369,428 total reads

 369,428 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top