Charism gamitin sa paglilingkod sa kapwa at pagpapatatag sa Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,376 total reads

Nanawagan ang CHARIS Philippines sa mga mananampalataya na gamitin ang mga kaloob ng Espiritu Santo sa paglilingkod sa kapwa, pagpapalago ng pananampalataya, at pagpapatatag ng Simbahan.

Binigyang-diin ni Fr. Bartolome Pastor, national spiritual director ng CHARIS Philippines, sa pagtatapos ng tatlong araw na National Spiritual Direction Conference sa Liloan, Cebu, na ang mga charism o espirituwal na kaloob ay dapat magbunga ng aktibong paglilingkod at ng pagpapahayag ng Mabuting Balita.

“Charisms are always given for the service of others,” ayon kay Fr. Pastor, na ipinaliwanag na ipinagkakaloob ng Espiritu Santo ang mga kaloob para sa kapakinabangan ng buong Sambayanan ng Diyos.

Ayon sa pari, dapat gamitin ng mga mananampalataya ang mga kaloob na tinanggap mula sa Espiritu Santo upang palakasin ang mga pamayanang Kristiyano at higit na maisakatuparan ang misyon ng Simbahan.

“A person anointed by the Holy Spirit should not remain passive,” dagdag pa ng pari.

Iginiit ng pari na ang pagtanggap ng mga kaloob ng Banal na Espiritu ay paanyayang gamitin ang mga ito nang may pagpapakumbaba, wastong pagkilatis, at malasakit sa kapwa.

“Charismatic persons are not necessarily saintly persons, although saintly persons may often exercise the charisms of the Holy Spirit,” paliwanag ni Fr. Pastor.

Hinimok din ni Fr. Pastor ang mga parokya at ang pamayanan na ituon ang kanilang mga gawain sa paghubog ng mga alagad ni Kristo na handang makibahagi sa misyon ng Simbahan.

“Every church, every community, every Basic Ecclesial Community, and every parish should be a disciple-making community,” aniya.

Samantala, nagpasalamat si Fe Barino, national coordinator ng CHARIS Philippines, sa mga dumalo sa pagtitipon sa kabila ng pagiging abala sa kanilang mga tungkulin, na nagpapakita ng kanilang kahandaang makibahagi sa misyon sa pamamagitan ng charismatic renewal.

“You have taken time away from your pastoral responsibilities, ministries, and families to join us for these three days, and we deeply appreciate your presence,” ayon kay Barino.

Binigyang-diin sa pagtitipon na dinaluhan ng 165 delegado na binubuo ng mga obispo, pari, relihiyoso, at mga layko ang pangangailangang muling tuklasin at isabuhay ang mga kaloob ng Espiritu Santo bilang bahagi ng panawagan sa mga mananampalataya na maging aktibong katuwang sa pagpapalago ng Simbahan at sa pagpapalaganap ng pag-ibig ng Diyos sa mundo.

“The more charismatic the Church becomes, the more faithfully she can fulfill her calling as the sign, expression, instrument, and channel of God’s saving love in the world today,” saad pa ni Fr. Pastor.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Troublemaker

 49,491 total reads

 49,491 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 97,362 total reads

 97,362 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 201,310 total reads

 201,310 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 287,424 total reads

 287,424 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 355,151 total reads

 355,151 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top