Aral ng kapa ni San Martin ng Tours

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,316 total reads

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-11 ng Nobyembre 2026
Ang aming Patron sa Bukawe, Bulacan.
Mula pa sa aming pagkabata
doon sa bayan ng Bukawe sa Bulacan
palaging nilalarawan 
kabutihan ng aming Patron mahal 
San Martin ng Tours sa France 
kung paano niyang hinati 
kanyang kapa upang damitan
ang giniginaw na dukhang matanda
nakasalubong niya sa daan.

Kinagabihan kanyang napanaginipan
Panginoong Jesus sa kanyang paanan
tangan-tangan kapang ibinigay sa 
matandang tinulungan,
katunayan ng kanyang turo
ano mang kabutihan
ang inyong gawin sa maliliit  
ay siya rin ninyong ginagawa 
sa Kristo na sa atin nakipanahan.

Nguni't hindi lamang iyon ang hiwaga
ng kapa ng ating Patrong mahal 
na dating kawal, 
sanay sa mga digmaan:
nang siya ay mabinyagan, 
hinasa niya kanyang isipan  
sa mga aral ng pananampalataya
dinalisay sa pananalangin
upang lubos mapaangkin sa Panginoon natin.

Upang maging mataimtim 
sa kanyang pananalangin, 
nagtutungo si San Martin sa kagubatan
at hinuhubad suot niyang kapa 
tanda ng kababaang-loob sa Panginoon,
sinasampay, sinasabit sa mga halaman
upang sakali man siya ay hanapin
madali siyang tuntunin 
sa kapa niyang nakabitin.

"Chapele" sa wikang Pranses
ang salitang salin ng "kapa" 
na siyang pinagmulan ng "kapilya"
na isang munting pook-dalanginan
tulad ng tinutunguhan ni San Martin
noon upang Diyos ay makapisan;
pagnilayan at tularan kaugalian
nitong si San Martin ng Tours
hinubad kanyang "kapa" sagisag ng
kapangyarihan at katanyagan
upang maramtan ng kabanalan
ni Kristo-Jesus na "hinubad kanyang 
pagiging katulad ng Diyos upang mamuhay 
bilang alipin tulad natin" (Fil.2:7)!

San Martin ng Tours,
ipanalangin mo kami!
Mula sa flickr.com.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Battered woman syndrome

 13,234 total reads

 13,234 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 74,930 total reads

 74,930 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 120,628 total reads

 120,628 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 221,896 total reads

 221,896 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 291,357 total reads

 291,357 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Praying to serve freely

 1,982 total reads

 1,982 total reads Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Tuesday, Memorial of St. Leo the Great, Pope & Doctor

Read More »

Being wise, not foolish

 8,263 total reads

 8,263 total reads Lord My Chef Sunday Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Thirty-Second Sunday in Ordinary Time, Cycle A, 08 November 2026

Read More »

Finding directions to heaven

 11,961 total reads

 11,961 total reads Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II First Friday, Thirty-first Week in Ordinary Time, Year II, 06

Read More »
Scroll to Top