FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,239 total reads

Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno ay hindi na pinagkakatiwalaan ng taumbayan.

Ordinaryo na sa Pilipinas ang paghihirap. Bawat araw, nagigising ang maraming Pilipino at nahaharap sa kaparehong katanungan: Hanggang kailan tataas ang halaga ng mga bilihin? Magkakasya ba ang kakarampot na sahod sa pang-araw-araw na gastusin? Matustusan ba ang pagpapaaral ng mga anak? Makakabayad ba ng kuryente at tubig?

Kailan kaya tutuparin ng mga inihalal at pamahalaan ang pangako nitong serbisyo publiko?

Ito ay hindi lamang araw-araw na frustrations ng mga Pilipino. Ito ay senyales ng isang bansang nangangailangan ng makabuluhang pagbabago mula sa mga politikong iniluklok sa puwesto.

Kapanalig, kabilang sa alalahanin at pasanin ng mayorya ng mga Pilipino ang “cost of living”. Base sa report ng Philippine Statistic Administration, umabot na sa 7.8-porsiyento ang inflation, pinakaabilis sa nakalipas na apat na taon.

Para sa ordinaryong pamilyang Pilipino, ito ay nangangahulugan ng kulang na pagkain sa hapag kainan, kawalan ng pagkakataon na makapag-ipon o makapag-impok, at kahirapan na matugunan ang pangunahing pangangailangan.

Kahit sabihin ng pamahalaan na ito ay economic statistic lamang, ang epekto nito ay nararamdaman sa pamilihang bayan, grocery stores at kabahayan sa bansa..

Kapanalig, paano pagkakatiwalian ng mga Pilipino ang gobyerno kung nagiging endemic na ang katiwalian?

Ang kawalan ng transparency at accountability ng pamahalaan sa paggasta ng pera ng bayan ang unti-unting umuubos sa pasensiya ng mga Pilipino.

Ang nararanasang hirap ng mga manggagawang Pilipino ay dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan, marami ang nagta-trabaho ng mahabang oras ngunit ang sahod ay hindi sapat sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga bilihin. Ang pinangangambahan ay matinding epekto ng El Niño, inaasahan itong magdudulot ng kakulangan sa supply ng tubig, pagkalugi ng sektor ng agriculture at maging sanhi ng pagtaas lalu ng presyo ng pagkain na magiging mabigat na pasanin ng mga magsasaka, mangingisda at bulnerableng komunidad sa bansa.

Kapanalig,ang malalim na problema ay kawalan ng malasakit ng gobyerno na tugunan ang nararanasang paghihirap ng mga ordinaryong Pilipino. Ika nga, bulsa muna bago ayudad.

Kapanalig, sinasabi ng “Proverbs 19:17- Whoever is kind to the poor lends to the Lord, and he will reward them for what they have done.”

Sobra sobra na ang hirap na dinaranas ng mga Pilipino. “They deserve a government that listens, acts, and takes responsibility.”

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 5,240 total reads

 5,240 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 90,750 total reads

 90,750 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 185,084 total reads

 185,084 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 246,771 total reads

 246,771 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 292,407 total reads

 292,407 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SCRIPTED NONSENSE

 90,752 total reads

 90,752 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 185,086 total reads

 185,086 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 246,773 total reads

 246,773 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 292,409 total reads

 292,409 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »
Scroll to Top