Magparehistro na para makaboto sa 2028!

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 599 total reads

Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027.

Maaaring magparehistro ang mga Pilipino na hindi bababa sa 18 taóng gulang sa araw ng halalan sa ika-8 ng Mayo, 2028. Kailangan ding nakatira sila sa Pilipinas nang hindi bababa sa isang taon at sa lugar kung saan nila planong bumoto nang hindi bababa sa anim na buwan bago ang halalan. Bukás ang mga tanggapan ng Comelec mula Martes hanggang Biyernes, gayundin sa ilang piling Sabado at holiday.

Hindi lamang mga unang beses na boboto ang dapat magtungo sa Comelec. Kailangan ding mag-asikaso ng kanilang record ang mga nais na buhayin muli ang kanilang rehistro matapos hindi makaboto sa dalawang magkasunod na halalan, lumipat ng lugar ng pagbobotohan, magwasto ng impormasyon, o mag-update ng pangalan. May ilang legal na dahilan na maaaring maging hadlang sa pagpaparehistro, kaya mahalagang tingnan ang mga requirements at mga paalala sa website ng Comelec.

Bakit nga ba mahalagang magparehistro at bumoto? 

Sa pamamagitan ng ating boto, nagkakaroon tayo ng boses sa mga isyung nakaaapekto sa ating lipunan. Ang mga pulitikong inihahalal natin ang nagpapasya kung paano gagamitin ang pondo ng bayan, kung paano pangangalagaan ang mga lupain ng mga katutubo, at kung paano pamamahalaan ang ekonomiya. Nakasalalay sa kanilang mga desisyon kung mapoprotektahan o lalo pang magdurusa ang mahihirap.

Ayon sa Kawikaan 29:2, “Kapag matuwid ang namamahala, bayan ay nagsasaya, ngunit tumatangis ang bayan kung ang pinuno ay masama.” May malaking epekto sa buhay ng mga mamamayan ang uri ng mga pinunong kanilang inihahalal. Kaya hindi dapat basta-basta ang pagpili natin. Kailangang suriin ang kanilang mga nagawa, paninindigan, at mga patakarang isinusulong, sa halip na magpadala sa kasikatan o pangakong too good to be true, ‘ika nga.

Ipinakita rin ni Pope Leo XIV ang kahalagahan ng pagboto nang gampanan niya ang tungkuling ito sa katatapos na midterm elections sa Amerika. Sa midterm elections ng Amerika, nakita natin kung paano maaaring gamitin ng mga botante ang kanilang kapangyarihan upang ipahayag ang pagkadismaya sa pamahalaan. Naging mahalagang usapin sa halalan ang mga patakaran ng administrasyon ni Pangulong Donald Trump, kabilang ang digmaan na sinimulan niya sa Middle East. Ipinakita nito na hindi permanente ang kapangyarihan ng mga namumuno. Maaaring baguhin ng mga mamamayan ang komposisyon ng kanilang pamahalaan sa pamamagitan ng kanilang mga boto. 

Magagawa rin ba natin ito sa 2028?

Ipinaalala ni Pope Leo XIV: “the political community exists for the sake of the common good.” Dapat nakatuon sa kapakanan ng nakararami ang mga desisyon ng gobyerno at ng mga namumuno. Pero sa Pilipinas, tila naging karaniwan na lamang ang korapsyon at pang-aabuso sa kapangyarihan. Nakita natin ito sa mga iskandalo tulad ng pork barrel scam at flood control scandal, gayundin sa patuloy na pamamayani ng mga political dynasties. Hindi dapat maging normal ang ganitong kalakaran. Kailangang panagutin ang mga pinunong inuuna ang sariling interes kaysa sa kapakanan ng taumbayan.

Mga Kapanalig, sabi ng makata at aktibistang si Maya Angelou na ang pagboto ay ang “great equalizer.” Sa pagboto, bawat mamamayan ay may pagkakataong makilahok at manawagan ng pagbabago. Magkasimbigat ang boto ng isang mayamang may-ari ng lupa at ng isang masipag na magsasaka. Magkasimbigat ang boto ng isang pulitiko at ng isang estudyanteng unang beses boboto. Kaya huwag nating sayangin ang pagkakataong ito! Magparehistro tayo at pag-isipang mabuti kung sino ang pagkakatiwalaan nating mamuno. Kung nais natin ng mas mabubuting lider, mas maayos na mga patakaran, at mas mahusay na serbisyo, nasa atin ang kapangyarihang hubugin ang kinabukasan.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 601 total reads

 601 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 100,910 total reads

 100,910 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 183,940 total reads

 183,940 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 278,271 total reads

 278,271 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 339,932 total reads

 339,932 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 100,912 total reads

 100,912 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 183,942 total reads

 183,942 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 278,273 total reads

 278,273 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 339,934 total reads

 339,934 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »
Scroll to Top