413 total reads
Nagpahayag ng pagkabahala ang Diocese of Parañaque sa naiulat na maramihang pag-aresto, kabilang ang mga menor de edad, sa hanay ng mga lumahok sa Lakbayan ng Timog Katagalugan na naglalayong mapayapang ihayag ang kanilang mga hinaing sa pamahalaan.
Sa pahayag ni Parañaque Apostolic Administrator Bishop Elias Ayuban Jr., CMF, ikinalungkot ng diyosesis ang insidenteng gumambala sa dapat sana ay mapayapang pagpapahayag ng mga magsasaka, manggagawa, estudyante, guro at mga katutubo.
“The Diocese of Parañaque expresses its sadness and concern over the untoward incident that disrupted what was meant to be a peaceful expression of the Lakbayan ng Timog Katagalugan, participated in by farmers, workers, students, teachers, and members of Indigenous communities. The reported mass arrests, including those of minors, are a matter of serious concern,” bahagi ng pahayag ni Bishop Ayuban.
Ayon sa kanya, nararapat lamang na mabigyan ang mga mamamayan ng pagkakataong maiharap sa pamahalaan ang kanilang mga hinaing sa pamamagitan ng mapayapa at naaayon sa batas na paraan.
“Our brothers and sisters who took part in the Lakbayan have legitimate concerns that deserve to be heard, particularly regarding the possible adverse effects of Pax Silica on their lives, livelihoods, communities, and future. They should be given the opportunity to bring these concerns before the government through peaceful and lawful means,” dagdag ng obispo.
Nanawagan din si Bishop Ayuban sa mga awtoridad at iba pang kinauukulan na pairalin ang pag-iingat at pagpipigil sa pagpapatupad ng kanilang mga tungkulin, habang iginagalang ang dignidad ng tao at mga karapatang ginagarantiyahan ng Saligang Batas.
“We appeal to the authorities and all concerned to exercise prudence and restraint, and to uphold human dignity and constitutional rights in the performance of their respective duties. Maintaining peace and order should never come at the expense of the people’s fundamental rights,” ayon pa sa obispo.
Binigyang-diin ng diyosesis na ang tunay na kapayapaan at kaayusan ay dapat nakabatay sa katarungan, paggalang sa karapatang pantao at pagkilala sa dignidad ng bawat tao, kabilang ang karapatan ng mamamayan na mapakinggan at maipahayag ang kanilang mga hinaing sa mapayapang paraan.




