Soho, Diokno,Beltran, Mendoza at Lagmay, kinilala sa VERITAS TRUTH AWARDS 2026

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,118 total reads

Kinilala ng Radyo Veritas 846 ang mga natatanging indibidwal at organisasyon na nagsusulong at nanindigan sa katotohanan, katarungan at kabutihan sa kauna-unahang VERITAS Truth Awards 2026 “Standing Tall in a World of Shadows”.

Sa kanyang keynote speech, pinuri ni Rev.Fr.Roy Bellen, pangulo at CEO ng Radyo Veritas ang mga awardees “There were days when speaking the truth felt dangerous,there were hours when it seems, easier to stay quite, but we keep going. Our awardees, you are the one that shown us that truth telling is not reserve for broadcasters, it also belongs to public servant, to a scientist, journalists, the priest, the lawyer, to ordinary citizen who chooses to do what is right even when the crowds turn against you.”

Si dating COA Commissioner at opisyal ng United Nations na si Ms. Heide Mendoza, ang recipient ng Veritas Truth Awards sa kategoryang “Triumph of Integrity Award”.

Iginiit ni Ms. Mendoza na namimigat ang kanyang balikat sa pagtanggap sa Veritas Truth Award dahil ito ang panahon na marami ang naghahanap at umaasang marating ang pinapangarap na bansang ipinapaglaban ang katotohanan.

Ipinagkaloob ang “Rays of Light in Darkness Award” kay Dr. Alfredo Francisco Lagmay, isang national scientist.
Kinilala din sa VERITAS Truth Awards si Ms. Jessica Soho, sa kategoryang “Unwavering Voice of Conscience Award”, isang boses na naghahatid ng mga kuwento ng katotohanan.

Sa kanyang acceptance speech, inihayag ng batikang broadcaster ang kanyang nerbiyos sa pagtanggap ng award “ sa totoo lang ho, ninirebiyos ako sa bigat ng mga words na nakasulat, steadfast champion of truth and accuracy”, sa totoo lang ho, marami din kaming pagkakamali. Sa paghahanap ng katotohanan is messy process, kami po ang lagi naming kalaban is deadlines, daming fake information, so nagkakamali din kami”.

Si Rev. Fr. Benigno Beltran, SVD, isa sa The Outstanding Filipino Award (TOFIL) ang recipient ng “Testimony of Life Award”, pagkilala sa isang living examples of honesty and uprightness.

Ibinahagi ni Fr.Beltran ang misyon na pagpapakatao, pakikipagkapwa-tao, pagpapakatotoo.

Ipinagkaloob ang “Heart for Justice and Truth Award”, isang advocate who protects vulnerable and uphold the law with integrity kay Akbayan Partylist Representative Jose Manuel Diokno.

Nagwagi naman sa Summum Veritatis Awards ang “Arnold Janssen Kalinga Foundation Inc” ang recipient ng highest expression for extra ordinary commitment to truth and moral leadership.

Inialay ni Rev.Fr. Flaviano Villanueva, SVD ang parangal sa mga homeless, victims, sa mga inabandona at volunteers who choose to speak when silence was safer.

Sa kanyang inspirational message, sinusugan ni Rev. Fr.Jerome Secillano, Rector ng Our Lady of Edsa Shrine, executive secretary ng CBCP-Committee on Public Affairs, isa mga hurado ng Veritas Truth Awards ang mensahe ni Ms.Mendoza na wala siyang ginagawa pero tumanggap siya ng parangal ay patotoo na ang pananahimik ng katotohanan ay hindi nabubusalan, hindi maaring ibaon.

Inihalimbawa din ni Fr.Secillano ang pahayag ni Ms. Soho na dahil sa pagmamadali ay nagkakamali at ang pag-amin sa pagkakamali ay isang elemento ng pagiging totoo.

Binigyan-diin ni Fr. Secillano ang mensahe ni FR. Villanueva, founder ng Arnold Janssen Kalinga Foundation na “we are not looking for perfection, we are not looking for flawless people, we only need witness”.

Pinalagom din ng spokesperson ng Archdiocese of Manila ang pahayag ni Dr.Lagmay na hindi magkaiba ang “faith at reason”.

Ipinaalala din ng Pari ang kahalagahan ng pahayag Fr. Ben Beltran na hindi dapat dungisan ang pangalan na taliwas sa nangyayari sa Pilipinas na kahit sirang-sira na ang pangalan at lugmok na ang kredibilidad ay patuloy pa ring gumagawa ng masama.

Umaasa din si Fr.Secillano na sa pagtindig ni Atty. Diokno sa katotohanan ay mapanagot ang mga nagkasala at magkaroon ng conviction sa impeachment trial ni VP Duterte.

Sa pagkilala sa mga awardee ng Veritas Truth Awards, iginiit ni Fr.Secillano na sa lahat ng ating mga gawain, ang “objective truth ay ang panginoon” na sinisira ng “dictatorship of relavitism” na naging dahilan ng crisis of truth.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THE LOST LESSONS

 84,820 total reads

 84,820 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 135,183 total reads

 135,183 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 264,601 total reads

 264,601 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 349,986 total reads

 349,986 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 409,282 total reads

 409,282 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top