Magkaisa at manindigan laban sa death penalty.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 651 total reads

Umaapela ng suporta at pakikiisa ang Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on the Laity para sa malaking pagkilos laban sa Death Penalty bill sa University of Santo Tomas grounds sa ika-21 ng Mayo 2017.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo – chairman ng kumisyon, mahalagang manindigan ang bawat isa upang maiparating sa pamahalaan ang matinding pagtutol sa pagbabalik ng parusang kamatayan.

Hinimok ng Obispo ang mamamayan na magkaisa para ipaabot sa kasalukuyang administrasyon na palakasin pa ang rehabilitation program para sa mga nagkasala sa lipunan sa halip na isulong ang death penalty bill.

Iginiit ni Bishop Pabillo na ang pagtitipon ay isang opurtunidad upang maipaliwanag sa mas nakararami na hindi solusyon ang Death Penalty sa problema sa kriminalidad at droga ng bansa.

“Mga Kapanalig, mga kaibigan kayo po ay iniimbitahan namin, inaanyayahan namin sa isang malaking pagkilos na gagawin po sa UST Grounds sa May-21 alas-kwatro ng hapon laban sa Death Penalty, tayo po ay manindigan ngayon na sabihin natin sa ating pamahalaan na ang Death Penalty ay hindi ang solusyon sa kriminalidad, sa drug problem ng bayan at kinakailangan natin na ang gumagawa ng masama ay ma-rehabilitate kaysa sa sila ay patawan ng parusang bitay. Kaya sa May 21 araw ng Linggo mayroon po tayong programa sa grounds ng UST Campus at susundan po ito ng interfaith prayer at nang banal na misa mga bansang alas-singko ng hapon, inaanyayahan po kayong lahat na makiisa sa paninindigang itong”.panawagan ni Bishop Pabillo

Ganap na alas-kwatro ng hapon magsisimula ang Intereligious Prayer ng iba’t-ibang relihiyon sa UST Grounds na susundan ng Banal na Misa sa pangunguna ng Simbahang Katolika upang manawagan at ganap na manindigan sa kasagraduhan ng buhay.

Read” Lakbay-Buhay mass laban sa ‘death penalty’, idaraos sa UST

Lumabas sa tala ng Amnesty International na umaabot na sa mahigit 141 mga bansa ang nagbuwag sa kanilang parusang kamatayan dahil sa kabiguan nitong mapababa ang krimen.

Samantala ang naturang pagtitipon ay bahagi ng Lakbay-Buhay March Caravan laban sa Death Penalty na nagsimula noong ika-4 ng Mayo sa Cagayan de Oro na naglalayong himukin ang lahat ng mga mamamayan sa kanilang mga bayan, probinsya at lalawigan na madaraanan na suportahan ang adbokasiya laban sa isinusulong na Death Penalty Bill bago tuluyang magtungo sa Senado at mawagan sa mga Senador.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 23,387 total reads

 23,387 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 103,838 total reads

 103,838 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 198,065 total reads

 198,065 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 258,554 total reads

 258,554 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 271,238 total reads

 271,238 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 18,814 total reads

 18,814 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top