Sambayanang Filipino, hinimok na lumagda sa Laudato Si Pledge

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 394 total reads

Hinimok ni Father John Leydon, convenor ng Global Catholic Climate Movement ang mga Filipino na lumagda sa Laudato Si Pledge ngayong ikalawang anibersaryo ng Encyclical ni Pope Francis na Laudato Si.

Ipinaliwanag ng Pari na ang “Laudato Si Pledge” ay pangako sa kalikasan na tayo ay mamumuhay ng may pakialam at may malasakit sa ating kapaligiran at sa susunod pang henerasyon na makikinabang dito.

Bahagi rin nito ang pananalangin para sa patuloy na pagyabong ng san nilikhang nagbibigay ng buhay sa bawat nilalang, aktibong pagsasabuhay at pakikibaka para sa adbokasiya na protektahan ang kalikasan.

Kaugnay dito, ngayong sabado ika-17 ng Hunyo, inaanyayahan ang lahat na dumalo sa paglulunsad ng Laudato Si Pledge sa La Consolacion College Manila Auditorium, Mendiola St., San Miguel, Manila, simula alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.

“Inaanyayahan ng Global Catholic Climate Movement Pilipinas [ang bawat isa] na dumalo sa isang napakahalagang activity, ito ay ang Launching ng Laudato Si Pledge kung saan yung mga tao, [will] give their commitments na isabuhay ang pagtuturo ng ating mahal na Papa na si Pope Francis sa pagsabuhay at pagtutupad ng mga turo niya sa Encyclical na Laudato Si,”imbitasyon ni Father Leydon.

Libre at walang kinakailangang registration fee ang programa na sisimulan sa pamamagitan ng Banal na Misa sa pangunguna ni Diocese of Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani, Jr. na susundan ng pagpapalalim ng pag-unawa sa Encyclical na Laudato Si’ at ang hamon ng Santo Papa sa bawat indibdwal na mahalin at arugain ang nag-iisa nating tahanan.

Inaasahan ding dadalo sa pagtitipon ang Founder at Executive Director of Global Catholic Climate Movement na si Tomas Insua.

Ang Laudato Si ang ikalawang encyclical na nilathala ni Pope Francis kasunod ng Lumen Fidei.

Gayunman, ito ang itinuturing na kauna-unahang encyclical na patungkol sa tamang pangangalaga sa Kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 18,165 total reads

 18,165 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 52,573 total reads

 52,573 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 89,055 total reads

 89,055 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 107,267 total reads

 107,267 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 190,662 total reads

 190,662 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 378,601 total reads

 378,601 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top