Awit ng pasasalamat at papuri sa Panginoon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 658 total reads

Ito ang naririnig na himig sa SM Mall of Asia Arena, Pasay City sa Liveloud 2017 Catholic Worship Concert na inorganisa ng Couples for Christ (CFC) katuwang ang youth arm nitong Youth for Christ (YFC).

Naniniwala si CFC-YFC International Coordinator Lawrence Quintero na magandang pagkakataon ang ginanap na konsiyerto upang alalahanin ang kadakilaan ng Diyos sa saliw ng mga masisiglang tugtugin na pasok sa panlasa ng mga mananampalataya partikular na sa mga kabataan.

“Music ang hilig ng mga kabataan ngayon kaya napakaimportante ng ganitong mga pagtitipon dahil habang kumakanta ka kasama ‘yung mga kabarkada mo ay naaalala mo ang kabutihan ng Panginoon at ang pagmamahal ng Diyos sa bawat isa. While we worship our God, it is a time for us to remember His goodness and faithfulness,” pahayag ni Quintero.

Kaugnay nito ay hinihikayat ni Quintero ang bawat kabataan na maging matatag sa gitna ng mga tukso sa pamamagitan ng paglapit sa simbahan na nagpapaalala ng presensya ng Panginoon at pagtanggap sa pag-ibig ni Kristo na nagligtas sa sangkatauhan.

“Napakachallenging kapag pinag-uusapan ang kabataan, ang dami nilang gustong i-try kaya si Satanas ay napakarami n’yang paraan din para ipasok ang nais na pagpatay ng ating pananampalataya. Maraming pagsubok ang pinagdadaanan ng mga kabataan ngayon, napakadali silang ma-sway. Pero naniniwala po tayo na that there is greater reality and that is the reality of the love of God that can conquer anyone. Give God a chance na mahalin tayo,” panawagan pa nito.

Sa tala, mahigit 115-libo ang bilang ng YFC members sa buong mundo kung saan 90-libo rito ay mula sa Pilipinas.

Tampok din sa selebrasyon ang pagpapatotoo nina CFC Global Mission Foundation Inc. Fulltime Pastoral Worker Julius Comia at High School-based Sector Youth Head Aira Karen Bravante kung paano binago at mas pinatatag ng Diyos ang kanilang buhay-pananampalataya.

Ang Liveloud 2017 ay dinaluhan ng nasa 16-libong CFC-YFC members na karamihan ay mga kabataan na nagmula pa sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 15,069 total reads

 15,069 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 49,731 total reads

 49,731 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 86,213 total reads

 86,213 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 104,425 total reads

 104,425 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 187,978 total reads

 187,978 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 216,334 total reads

 216,334 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 355,629 total reads

 355,629 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top