Cardinal Tagle, nag-alala sa mga apektado ng lindol sa Eastern Visayas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 768 total reads

Nagpahayag ng pag-aalala si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga naapektuhan ng malakas na lindol sa lalawigan ng Leyte.

Ito ang inihayag ni Rev. Fr. Ricardo Valencia, Priest Minister ng Disaster Risk Reduction and Management Ministry ng Archdiocese of Manila.

Ayon kay Father Valencia, nagpadala sa kanya ng mensahe ang Kardinal para alamin ang sitwasyon sa Leyte na nakaranas ng magnitude 6.5 na paglindol kahapon.

Si Cardinal Tagle ang kasalukuyang Pangulo ng Caritas International at kamakailan lamang ay personal siyang bumisita sa Leyte at Samar para kamustahin ang pagbangon ng mga naapektuhan ng bagyong Yolanda.

Kaugnay nito, nagpahayag din ng kahandaang tumulong ang Archdiocese of Manila sa mga napinsala ng paglindol.

“Tayo ay nakahanda sa pagtulong anuman ang pangangailangan nila, at sana maging bukas din sa pagtulong ang ating mga kapanalig” ani Father Valencia.

Nangangamba ang Pari na dahil sa naganap na paglindol ay makikita ang psycho-social effect ng kalamidad sa kaisipan ng mga taga-Leyte lalo na’t halos apat na taon pa lamang ang nakakalipas ay naranasan nila ang isa sa pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan ang bagyong Yolanda.

“Na-realize ng Simbahan na marami pa pala ang hindi naka get-over sa epekto ng Yolanda mahalaga talaga ang psycho-social intervention at ito ang ating bibigyan pansin.”Ani Fr. Valencia

Kaugnay nito, nagdulot ng takot at pangamba sa mga residente ang naganap na 6.5 magnitude na lindol sa Leyte, Eastern Visayas.

Ayon kay Rev. Fr. Albert Opiniano, Parish Priest ng Holy Family Parish sa Kanangga, Leyte, malakas ang naramdamang pagyanig sa lalawigan na naganap bandang alas-kuwatro ng hapon.

Pagbabahagi ng Pari, sa lakas ng pagyanig ay nawasak ang pader ng kumbento ng parokya habang nagkaroon naman ng mga bitak at lamat maging ang mga sahig at mismong altar ng Simbahan bukod pa sa mga natumbang cabinet at nagkalat na mga kagamitan.

“Hindi nagtagal pero malakas, first time na merong mga damages, merong mga injury, merong namatay, yung pader namin sa kumbento nawasak, yung pader namin yung wall sa convent, merong crack sa flooring sa altar at saka yung mga gamit namin nagkalat, merong cabinet na natumba…”pahayag ni Father Opiniano.

Pagbabahagi ng Pari, kasalukuyan nang nangangalap ng mga impormasyon ang mga BEC coordinators ng parokya upang makapagsagawa ng assessment sa mga barangay na nagkaroon ng pinsala at lubos na naapektuhan ng naganap na lindol.

“pinakiusapan namin ang mga BEC Coordinators na magbigay sila sa amin ng assessment sa mga different barangay na merong mga damages merong casualty, merong injury, maghihintay pa kami ng report ngayong umaga…” Pagbabahagi ni Fr. Opiniano.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naitala ang sentro ng lindol 8-kilometro sa Timog-Kanluran ng Jaro, Leyte na umabot ng intensity 5 at naramdaman maging sa Roxas City at Negros Occidental.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 58,167 total reads

 58,167 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 137,341 total reads

 137,341 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 170,786 total reads

 170,786 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 206,084 total reads

 206,084 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 430,257 total reads

 430,257 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 111,841 total reads

 111,841 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top