Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kahirapan at di Pagkapantay-pantay sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

 2,393 total views

Kapanalig, isa sa mga pangunahing dahilan ng maraming mga problema sa ating bansa ngayon ay ang kahirapan at inekwalidad sa ating bansa.

Ayon nga sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), mas dumami ang mga bayan na nataguriang “severely poor.” Mula zero noong 2006, naging lima ito. Ang pinakamahirap sa mga probinsya o munisipalidad sa ating bayan ay ang Bacolod-Kalawi, Lanao del Sur sa Mindanao. Kapanalig, 84.8% ang poverty incidence dito, pinakamataas sa buong bansa. Sumunod dito ang Datu Saudi-Ampatuan, Maguindanao kung saan 83% ang poverty incidence, Lumbayanague, Lanao del Sur (81.9%), Piagapo, Lanao del Sur (81.4%) at Talayan, Maguindanao (80.3%). Kapanalig, lahat ito ay mga munisipalidad sa Mindanao.

Habang lalong naghihirap ang mga bayang ito, may mga syudad na bumaba ang lebel ng poverty incidence. Tinatayang ang poverty incidence sa mga “least poor municipalities” ay nasa 20% lamang samantalang umaabot ng sobra pa sa 80% ang poverty incidence sa mga severely poor. Baligtaran kumbaga. Ang mga least poor municipalities ay kadalasan makikita sa mga urban areas. Sa National Capital Region (NCR) nga kapanalig, ang poverty incidence ng pinakamahirap na munisipalidad (Tondo) ay 10%.

Ang kahirapan na ito at hindi pagkapantay-pantay ay isa sa mga rason kung bakit marami sa ating mga kababayan ay pinipili ng mag-migrate o lumipat na lamang sa mga syudad o sa ibang bansa. Isipin naman natin, 80% o walo sa sampung tao ay mahirap sa mga severely poor municipalities. Kung ika’y napapaligiran ng kahirapan, diba’t mas nanaisin mo na itong iwanan?

Madali ding ma-recruit ang mga kabataan sa mga severely poor areas ng mga insurgency o rebel groups. Mahirap kasi makakita ng pag-asa kapanalig, sa lugar na tila nasakluban na ng dilim. Isipin niyo naman, sa mga severely poor areas na ito, madalas din ang mga bakbakan. Kung hindi ka sasali sa mga grupong de armas, mas lalong walang kinabukasan ang pakiramdam ng ilan. Mas mabuti na may laban ka sa buhay kahit kaunti. Maliban pa dito, marami sa kanila ang hindi na nakakapag-aral dahil sa paulit ulit na displacement.

Dapat sana ang digmaan laban sa kahirapan ang una nating hinaharap. Hindi makatarungan na sa halos lahat ng mga mamamayan sa ilang munisipalidad ay nagdarahop samantalang mga lider nito, kung inyong susuriin, ay maalwa ang pamumuhay sa mga mansyon. Hindi ito ang pangarap at nais ng Panginoon sa kanyang mga anak.

Kapanalig, ang Populorum Progressio ay may butil ng aral na sana’y ating pakinggan: Kailangan nating bitiwan ang mentalidad na ang maralita ay pabigat sa ating buhay. Ang kanilang pag-unlad ay pag-unlad din hindi lamang ng ating bayan, kundi ng buong sangkatauhan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 28,931 total views

 28,931 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 40,061 total views

 40,061 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 65,422 total views

 65,422 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 75,868 total views

 75,868 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 96,719 total views

 96,719 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 1,264 total views

 1,264 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »

RELATED ARTICLES

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 28,932 total views

 28,932 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 40,062 total views

 40,062 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 65,423 total views

 65,423 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 75,869 total views

 75,869 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 96,720 total views

 96,720 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 94,007 total views

 94,007 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 113,031 total views

 113,031 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 95,705 total views

 95,705 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 128,323 total views

 128,323 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 125,339 total views

 125,339 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »
Scroll to Top