Simbahan, nagsasagawa ng imbestigasyon sa paring isinasangkot sa human trafficking

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 716 total reads

Igagalang at susundin ng Diocese of Antipolo ang proseso ng batas sa alegasyong human trafficking ng isang menor de edad na kinakaharap ng isa sa mga Parish Priest ng Diyosesis.

Habang gumugulong ang imbestigasyon at kasong isinampa ng Philippine National Police laban kay Msgr.Arnel Lagarejos ay inalis muna ng Obispo ng Diocese of Antipolo ang priestly ministry o mga katungkulan ng pari bilang kura-paroko ng St.John the Baptist Parish kabilang na ang pagiging pangulo ng Cainta Catholic College.

Umaapela naman ng panalangin ang Diocese of Antipolo sa mga pananampalataya na lumabas ang katotohanan.

Kaugnay nito, tiniyak ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Emeritus Oscar Cruz, Judicial Vicar ng CBCP National Appellate Matrimonial Tribunal na hindi kukonsintihin ng Simbahan ang mga imoral na gawain.

Binigyang diin ni Archbishop Cruz na susuriin at pag-aaralang mabuti ng CBCP National Tribunal ang lahat ng anggulo sa kasong kinakaharap ni Msgr.Lagarejos bagamat aminado itong mabigat na pagkakasala sa batas ng tao at batas ng Diyos ang pang-aabuso sa mga menor-de-edad.

Inihayag ng Arsobispo na hawak niya ang kaso ng pari bilang Judicial Vicar ng CBCP National Appelate Matrimonial Tribunal na sariling korte ng Simbahang Katolika na umaasikaso sa mga sexual allegation laban sa mga miyembro nito.

Nilinaw ni Archbishop Cruz na maaring mismong ang Vatican ang maglabas ng desisyon matapos ang paglilitis kay Msgr. Lagarejos.

“Ang kaso na yan ay nasa akin na, nag-usap na kami ni Bishop de Leon na ako nang hahawak.’pahayag ni Archbishop Cruz sa Radio Veritas

Iginiit naman ng Arsobispo na ang mga Pari at Obispo ay mga tao rin at hindi Santo na nakagagawa ng pagkakamali.

Bunsod nito, nanawagan ang Arsobispo sa mga mananampalataya na patuloy na ipagdasal ang Simbahang Katolika at ang katatagan ng mga pari na araw-araw ay dumaranas ng iba’t-ibang pagsubok sa kanilang paglilingkod sa Panginoon.

Samantala, kinumpirma ni Antipolo Bishop de Leon sa Radio Veritas ang pagtatalaga kay Archbishop Cruz bilang taga-pagsalita o spokesman sa mga alegasyong kinakaharap ni Msgr.Lagarejos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 8,269 total reads

 8,269 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 47,857 total reads

 47,857 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 83,167 total reads

 83,167 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 309,436 total reads

 309,436 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 202,307 total reads

 202,307 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 292,123 total reads

 292,123 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 405,153 total reads

 405,153 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top