Simbahan, handa na sa rehabilitasyon ng Marawi

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 736 total reads

Labis ang pasasalamat ni Prelature of Marawi Bishop Edwin Dela Peña sa ginagawang pagkilos ng iba’t-ibang institusyon ng Simbahang Katolika para makatulong sa mga Internally Displaced Person dulot ng patuloy na kaguluhan sa Marawi City.

Ayon kay Bishop Dela Peña, mahalaga ang aktibong pakikibahagi ng Simbahang Katolika sa pagtulong para sa mga bakwits lalo na’t patuloy ang pangangailangan ng mga ito homebased man o nasa mga evacuation centers.

“Una sa lahat ina-acknowledge namin ang lahat ng tulong na dumating sa Diocese of Iligan at Prelature of Marawi at we are overwhelm for this expression of generosity and support for our evacuees we hope we will continue to support them.” pahayag ni Bishop Dela Peña.

Una ng inihayag ng Caritas Philippines na umabot na sa 10 Milyong Piso ang tulong na kanilang ibinabahagi sa mga IDP’s habang nagpapatuloy ang ginagawang relief intervention ng Diocese of Iligan.

“Importante talaga na ituloy yung ating ugnayan para maipagpatuloy din natin yung ating pagtulong sa ating mga kapatid na nasa mga evacuation centers. Ito ay initial pa lamang at tinitingnan natin yung mga immediate needs ng mga bakwits sa ngayon, pero eventually tutumbukin natin yung Marawi kung saan gaganapin yung ating rehabilitasyon yung pagbangon ng Marawi.” dagdag pa ng Obispo.

Kaugnay nito ang Arkidiyosesis ng Maynila at ang Social Arm nito na Caritas Manila ay nakapagpadala na din ng P2 Milyon Piso para sa mga bakwits bukod pa sa mga bigas, water filters, gamot at mga undergarments.

Samantala, suportado ni Iligan Vice Mayore Jemar Vera Cruz ang ginagawang pagkilos ng Simbahang Katolika at aminado siya na malaki ang naitutulong ng insititusyon para mabawasan ang paghihirap ng mga bakwits bagamat karamihan sa mga ito ay mga Muslim.

“Ito talaga ang pagmamahal na buhay, Ito ay faith in action this is very important for the church be a light to the people in darkness lalo na ngayon dito maraming evacuees sa ating lugar sa Iligan City”.

Magugunitang si Vice Mayor Vera Cruz ay dating Vicar General ng Diocese of Iligan bago magsilbing bise alkalde ng siyudad.

Tinatayang nasa 5 libong Pamilya ang una nang natulungan ng Simbahang Katolika sa Iligan at Marawi habang target nito na makatulong pa sa karagdagang 3 libong home based families.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 48,029 total reads

 48,029 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 127,766 total reads

 127,766 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 161,213 total reads

 161,213 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 196,511 total reads

 196,511 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 421,186 total reads

 421,186 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 111,747 total reads

 111,747 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top