Tagumpay sa community worker ang pagkaloob ng estolang gawa sa retaso kay Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 346 total views

Inabot ng siyam na taon bago tuluyang maibigay ng isang urban poor community worker ang estola o stole na kanyang ginawa para kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.

Sa harap ng mahigit sa 6-libong delegado ng 4th Philippine Conference on New Evangelization (PCNE4), kinilala ni Cardinal Tagle si Cynthia Cabrera, ang “Rugs to Riches Community Enterprise Manager” na siyang lumikha ng estola mula sa retaso.

Ayon kay Cabrera, taong 2009 noong matapos niyang gawin ang nasabing estola subalit hindi niya alam kung paano ito maipapabot sa Cardinal kaya’t lubos ang kanyang kagalakan nang personal itong tanggapin ng Kanyang Kabunyian sa huling araw ng PCNE4.

“Ang challenge na hinarap ko ay kung papaano makarating kay Cardinal ‘yung estola na ginawa ko para sa kanya. Noong una po, parang nawalan ako ng pag-asa dahil hindi ko alam kung paano makarating. Pero kanina ‘nung iabot ko sa kaniya para pong nasa langit ako. Sabi ko, ito na ‘yung biggest achievement sa buhay ko,” kuwento ni Cabrera.

Inihayag pa ni Cabrera na si Cardinal Tagle mismo ang humamon sa kanya na gawin ang estola mula sa recycled materials, ang parehong Cardinal na nagturo sa kanya kung paano magtiwala sa sarili.

“Pagtitiwala sa sarili, ‘yun ang unang una kong natutunan sa kanya ‘nung mga narinig ko ang mga mensahe niya during nagma-mass at saka ‘yung mga aral na ibinibigay niya. Magaling po siyang tao. Magaling po siyang magbigay ng homilya,” pagbabahagi ni Cabrera.

Una nang inihayag ni Cardinal Tagle na ang retaso ay kawangis ng tinapay na pinagpira-piraso at ipinagkaloob ni Hesus sa kanyang mga alagad bilang simbolo ng pagpahintulot ng pananahan ni Hesus sa ating mga buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 6,514 total views

 6,514 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 30,830 total views

 30,830 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 66,620 total views

 66,620 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 108,420 total views

 108,420 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 161,255 total views

 161,255 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 14,304 total views

 14,304 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 232,775 total views

 232,775 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top