Passport at license validity extension, pantakip butas ng administrasyong Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 455 total reads

Naniniwala ang research group na IBON Foundation na bahagi lamang ng istratehiya ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpasa ng maliliit na batas upang pagtakpan ang malalaki at ‘mas mapinsalang’ aksiyon na ipapatupad nito sa hinaharap.

Ayon kay IBON Executive Director Sonny Africa, bagamat makatutulong ang mga inaprubahang batas tulad ng passport validity extension, pagpapalawig ng bisa ng drivers license ay mas kailangan pa ring pagtuunan ng pamahalaan ang mga problemang matagal ng kinakaharap ng Pilipinas kabilang na ang sektor ng agrikultura.

“Sa maraming ipinangako ni Pres. Duterte, ‘yung mga relatibong madali na magpapakita na nagbibigay ng mabuting serbisyo yung Gobyerno, ‘yun ang pinapatapuad niya. Bagamat mas ok nga na may extension dun sa validity [ng passport at license], ok din may free internet, pero kung mas mataas naman ang binabayad mong buwis, kulang pa rin ‘yung farm to market roads at irrigation ng mga magsasaka, may problema pa rin,” ani Africa.

Dagdag pa ni Africa, ginagamit lang ng pangulong Duterte na panakip-butas ang mga maliliit na proyekto para makuha ang suporta ng taong bayan partikular na sa Tax Reform Program na kapag naipatupad ay magiging pabigat sa mga 60-milyong mahihirap na Filipino.

“Sa tingin namin, ginagamit ng Duterte Administration yung mga simpleng projects na ganyan, parang pang-pogi points lang para pagtakpan yung mas hamak na delikado, mas mapaminsalang mga measure nila tulad ng Tax Reform Program,” pahayag pa nito.

Sa datos ng IBON, ang mga manggagawa na kumikita ng 5-libong piso kada buwan ay mawawalan ng 807-piso sa loob ng isang taon habang ang mga empleyado naman na may 19-libong piso monthly income ay kakaltasan ng 3,800-piso kada taon kung papaburan ng Senado ang nasabing panukala.

Una nang ipinaalala ng Kanyang Kabanalan Francisco sa mga lider ng bawat bansa na magsulong ng mga programa na mag-aangat sa buhay ng kanyang nasasakupan at hindi lamang sa interes ng iilan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 14,255 total reads

 14,255 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 48,980 total reads

 48,980 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 85,462 total reads

 85,462 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 103,674 total reads

 103,674 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 187,265 total reads

 187,265 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 216,276 total reads

 216,276 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 355,589 total reads

 355,589 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top