Pairalin ang batas at hindi pamamayani ng baril

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 586 total reads

Ito ang panawagan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kaugnay sa mas tumataas na bilang ng mga napapaslang sa ‘War on Drugs Campaign’ ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay CBCP President at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, lahat ng tao ay pantay-pantay sa harap ng batas at kahit maging ang isang kriminal ay hindi dapat tanggalan ng karapatan na mabuhay.

“Libu- libo na ang namatay, sana ay maibalik natin yung sense of humanity sa atin na hindi lang siya kriminal because even criminals have rights also. Hindi nababawasan ang ating dignidad bilang tao dahil tayo’y nagkasala so sana ibalik natin yung pamamayani ng batas at hindi yung pamamayani ng baril,” pahayag ni Archbishop Villegas.

Kaugnay nito ay binigyang-diin ng Arsobispo na bahagi ng responsibilidad ng Simbahang Katolika na maging pastol na gagabay sa mga taong nagkasala kaya hindi maaalis kung nadidismaya ang simbahan sa sunod-sunod na patayan na nagaganap sa bansa.

“Ang misyon po ng simbahan ay palaging dalawa; una ay maging propeta na tagapagturo at kung kailangan ay i-denounce ang mali subalit kasabay ng pagiging propeta, ang simbahan ay taga-hilom din..so sana makita ninyo ang simbahan kung sakali kaming magsasalita laban sa mga masasamang pangyayari hindi para ibagsak ang sinuman kundi para iwasto at dahil mawawasto ay bubuti at gaganda,” panawagan ni Archbishop Villegas.

Sa inilabas na datos ng Philippine National Police noong ika-26 ng Hulyo, umabot na sa 3,451 ang bilang ng napatay sa mga operasyon na isinagawa ng pulisya kontra iligal na droga.

Subalit ayon sa ulat ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA), humigit kumulang 12-libo na ang mga nasawi sa war on drugs campaign ng pamahalaan kabilang na ang mga pinaniniwalaang napaslang ng mga vigilante.

Nauna rito, nanawagan ang CBCP President at Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na wakasan na ang pagpatay sa mga hinihinalang sangkot sa illegal na droga.

Read: Reflect, Pray and Act
Kampana ng Konsensiya

Patuloy pa rin ang paghihikayat ng Simbahang Katolika sa bawat Filipino na magkaisang labanan ang culture of death sa bansa sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng kasagraduhan ng buhay na isang regalo mula sa Diyos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 50,290 total reads

 50,290 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 129,953 total reads

 129,953 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 163,400 total reads

 163,400 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 198,698 total reads

 198,698 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 423,235 total reads

 423,235 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 297,245 total reads

 297,245 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 408,412 total reads

 408,412 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top